Kim Chiu at Maja Salvador, bati na!

ADVERTISING

Kim Chiu at Maja Salvador, bati na!

Kim-Chiu-Maja-SalvadorBATI NA pala sina Kim Chiu at Maja Salvador. Nangyari ang pagbabati nilang dalawa last week pa.

Sa Twitter in-announce ni Ogie Diaz ang reconciliation ng dalawa habang nasa thanksgiving party siya ng Dreamscape sa Taguig. “Yehey! Bati na pala sina @dprincessmaja at @prinsesachinita last week. Nagkita sila at nagkatsikahan na. ‪#‎SarapNgFeeling.”

“Finally, they have reconciled. Thank you LORD. Bless them more Oh LORD,” tweet naman ng isang staff ng Dos.

Sinabi rin ni Ogie na bati na rin sina Kim Chiu at Gerald Anderson. “Usap na din sina gerald at @prinsesachinita kanina. Nagbibiruan pa nga sila. All’s well that ends well.”

ADVERTISING

“Sarap ng walang kaaway!” tweet naman ni Kim.

Si Maja naman, posted this message last Monday, “Goodmorning! Positive monday everyone! ‪#‎BELIEVE”.

Mukhang napalambot ni Maja ang puso ni Kim who tweeted “promo promo pag may time” nang magamit ang name niya sa album launch ng una.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING