Kim Chiu, mahilig kumain ng talong! – Alex Brosas

ADVERTISING

Kim Chiu, mahilig kumain ng talong! - Alex Brosas

Kim Chiu, mahilig kumain ng talong! - Alex BrosasNAKAKATUWA ITONG SI Kim Chiu. Super simple lang pala ang taste nito sa food.

ADVERTISING

Ibinuking kasi ni Kris Aquino na pritong talong lang, kanin at ketchup ay solved na ang dalaga. Hindi raw ito maarte when it comes to food kaya naman bow siya rito.

Magkasama ang dalawa sa Kung Tayo’y Magkakalayo kung saan ka-join din sina Albert Martinez at Gerald Anderson.

Excited na si Kim na sumakay sa float para sa movie niyang I Love You, Goodbye na isa sa entries sa Metro Manila Film Festival. First mature role ni Kim ang ginampanan niya sa naturang movie directed by Laurice Guillen. Ito rin ang unang pelikula n’ya na hindi niya kasama ang kanyang ka-loveteam na si Gerald Anderson.

ADVERTISING

HOW TRUE NA lumalaki na ang ulo ni Gina Pareño?

Simula raw nang sumikat ang character niyang Lola Gets sa Tayong Dalawa ay nagbago na rin daw ito. Hindi na raw ito ang Gina Pareño na magiliw at laging nakatapak ang paa sa lupa.

Ang tsika sa amin, may mga demand na raw ito ngayon sa Dos. May mga bagay na raw na inaayawan na niya at may limitasyon na rin siya. At take note, may curfew na rin siya ngayon.

Nang magbigay raw ng kanyang demands si Gina sa Dos ay hindi naman ito pinagbigyan ng network.

MAY WAR YATA ang dalawang direktor na ito na magkasama sa isang entry sa Metro Manila Film Festival.

Mukhang hindi feel ni direktor A ang presensiya ni director B. Parang naiinis siya at nakasama ito sa movie na fantasy ang tema.

Ang tsika sa amin, sa sobrang pagkaimbiyerna ni director A ay ipinatanggal nito ang pangalan ni direktor B sa poster ng kanilang movie. Ang kaso, tapos nang gawin ang poster kaya wala nang magagawa. Alangan namang magpa-reprint uli ng poster para lamang matanggal ang name ni direktor B? Magastos ‘yon, ‘di ba?

Ang sabi raw ng staff kay direk A, kung gusto niya, lalagyan na lamang nila ng takip ang name ni direk B sa poster o kaya naman ay papatungan na lang nila ito ng pentel pen.

Naku, titingnan ko nga kung may pentel ang poster ng fantasy film sa mga sinehan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING