Kim Chiu, maayos na ang naaksidenteng ilong

ADVERTISING

Kim Chiu, maayos na ang naaksidenteng ilong

Kim-ChiuPARA LINAWIN at maging klaro ang kung anu-anong tunay na nangyari sa aksidente ni Kim Chiu na naganap kamakalawa habang sakay ng kanyang kotse.

ADVERTISING

Sa Aquino & Abunda Tonight, buong klarong ikinuwento ni Kris Aquino na habang natutulog si Kim sa likuran ng kanyang kotse ay biglang ihininto ng driver ni Kim ang kanyang sasakyan para iwasang mabangga ang isang jeepney.

Tumilapon si Kim na naging sanhi para tumama ang ilong nito sa isang bakal sa loob ng kotse na naging sanhi ng pagdudurugo nito.

Text ni Kim kay Kris na binasa naman ng huli sa TV show nilang Aquino/Abunda Tonight, natakot si Kim dahil nakarinig siya ng crack nang bumanga ang ilong.

ADVERTISING

Kaya nagpatakbo sa ospital at salamat naman na hindi nagkaroon ng pagkabali ng ilong na siyang ikinatakot ni Kim.

Ayon pa sa tsika ni Kris sa TV show nila ni Kuya Boy, papunta ng taping si Kim nang mangyari ang aksidente.

Okey na si Kim at nakalabas nang ospital matapos na magpa-x-ray na wala namang napinsalang malala sa kanyang ilong.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING