Kim Chiu, lumabas ang pagkasuplada?

ADVERTISING

Kim Chiu, lumabas ang pagkasuplada?

Kim-ChiuKim-ChiuME PAGKASUPLADA pala talaga itong si Kim Chiu. A dancer-friend, John Ray, shared to us his encounter with Kim na talagang nagsuplada sa kanya. It happened during the taping of Ina, Kapatid, Anak where he is an extra in the debut scene.

Since hindi pa kinukunan ang eksena at wala naman siyang ginagawa ay nag-request si John Ray kung puwedeng magpa-picture na kasama si Kim. Naglalakad lang noon si Kim, walang ginagawa pero nagtaray ito.

“Hindi mo ba nakikita na may ginagawa ako,” sabi ni Kim sa dancer.

Natameme, pumunta na lang ang pobreng dancer sa isang corner and waited for the scene to start rolling.

ADVERTISING

During break, nakita niya si Maja Salvador. Naisipan niyang magpakuha ng picture rito. Hindi naman siya napahiya dahil napaka-accommodating ng dalaga, walang arte, walang ere.

Kaya sa Facebook account ng friend naming dancer ay sandamakmak ang kuha nila ni Maja. At kapag nakikita niya si Kim sa TV ay talagang inililipat niya ang channel.

 

MARAMI ANG gustung-gusto ang sexy pictorial ng isang GLORIFIED STARLET. Ang daming nagandahan sa kanyang sexy poses at talaga namang super sexy siya roon sa cover pictorial niya for a men’s magazine.

Pati nga ang ‘ALIPIN’ niyang blogger ay nag-post ng names ng female celebrities na nagkagusto sa pictorial ng kanyang AMO. This is to make it appear na even the celebrities of kalabang network ay hangang-hanga sa kanyang ALAGA. Naku, gamit na gamit talaga ang female celebrities sa publicity ng AKTRES-AKTRESAN na ito.

Actually, there’s no doubt na super sexy talaga ang hitad. Wala talagang panama ang mga young and sexy stars ng kabilang network. Kaya lang, hanggang doon lang yata ang beauty niya. Hindi nagta-translate sa magandang rating ang kanyang kaseksihan. Mababa pa rin ang rating ng kanyang soap opera kahit na ang kalaban naman niya ay young stars.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING