Kim Chiu, inilampaso si Marian Rivera

ADVERTISING

Kim Chiu, inilampaso si Marian Rivera

Kim-ChiuWALA PALANG binatbat si Marian Rivera kay Kim Chiu. Humakot kasi ng award si Kim sa nakaraang Yahoo OMG Award 2014 at butata si Marian.

Win si Kim ng Celebrity of the Year at Actress of the Year awards. Ang pelikula naman niya with Xian Lim na Bride for Rent ay Movie of the Year. Ang primetime series niyang Ikaw Lamang ay Teleserye of the Year and ang KIMXI ay Fan Club of the Year. Talagang pinakain niya ng alikabok si Marian, ha?

Marami nga ang naloka kung bakit wala ni isang napanalunan si Marian. Since katatapos lang itong itanghal bilang FHM Sexiest Pinay ay marami ang nag-akalang maraming fans nito ang boboto sa kanya. Pero hindi ‘yun ang nangyari. Inilampaso siya ni Kim. Obviously, pinabayaan si Marian ng kanyang fans na nagmistulang mga inutil. Magaling lang mam-bash ang fans ni Marian sa mga writer na nagsusulat ng nega sa kanilang idol, pero hindi naman pala ito maaasahan na iboto ang idol nila. Karamihan kasi ng fans ni Marian ay parang walang pinag-aralan, salat sa kagandahang-asal at tila mga criminal kung umasta sa social media.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING
ADVERTISING