Kim Chiu, hindi priority ni Xian Lim

ADVERTISING

Kim Chiu, hindi priority ni Xian Lim

Xian-Lim-Kim-ChiuMAS RELAX ngayon kung sumagot sina Kim Chiu at Xian Lim about their relationship. Sa bago nilang pelikulang Past Tense with Ai-Ai delas Alas na dinirek ni Mae Cruz- Alviar, lalong lumalalim ang kanilang friendship. Kung si Direk ang tatanungin, gusto niyang magkatuluyan as sweetheart ang dalawa. Nakita kasi niya kung papaano ini-enjoy nina Kim at Xian ang bawa’t isa tuwing shooting. Kuwento nga ni Kim, super close ang binata sa family niya. Anytime daw, welcome itong maglabas-masok sa bahay nila. Maging si Xian ay naipakilala na rin si Kim sa parents nito.

Kahit hindi magkarelasyon sina Kim at Xian, palaging box-office success ang kanilang mga pelikula. May chemistry kasi ang dalawa kaya’t tinatangkilik ng mga fans ang kanilang loveteam. Nakare-relate kasi ang mga ito sa bawat character na pino-portray ng kanilang iniidolo. Hanggang pelikula lamang ang pagmamahalan nina Kim at Xian. Kaya nga raw kinikilig ang mga fans tuwing pinanonood nila ang movie ng dalawa dahil on the big screen lang nagkakaroon ng katuparan ang kanilang fantasy.

Ayaw na ni Kim na madaliin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanila ni Xian para lang matuwa ang kanilang mga tagahanga. Kung magiging sila nga ng actor/singer mangyayari ‘yun sa takdang panahon. Ganu’n din si Xian, hindi man siya seryosong nanliligaw kay Kim, pinararamdam niya sa actress kung gaano ito ka-special sa buhay nito. Pareho raw sila ngayong may kanya-kanyang priority in life. Hindi nila iniisip ang makipag-relasyon.

Ayon kay Xian, mas maganda raw ‘yung friends muna bago ma-develop into something beautiful ‘yung friendship na mayroon sila ngayon. Through the years lalo nilang nakikilala ang isa. Mararamdaman naman daw niya kung ready na siyang pumasok sa isang serious relationship. As of now, naka-focus si Xian sa kanyang acting career, ito ang kanyang priority at alam raw ‘yun ni Kim.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING