Kim Chiu, hindi pa si Xian Lim ang ‘Mr. Right’

Kim Chiu, hindi pa si Xian Lim ang ‘Mr. Right’

Kim-Chiu-Xian-LimHANGGANG NGAYON, hindi pa raw ready si Kim Chiu na magka-boyfriend dahil ang priority niya ay ang kanyang career at family. Kahit may nanliligaw na outside showbiz, deadma lang ang dalaga. Ini-enjoy naman kasi ng actress ang pagiging single at ang kasikatan nito. Kung pag-uusapan ang friendship mayroon sila ni Xian Lim, friends lang talaga ang turingan nila sa isa’t isa.

Mas relax daw si Kim kung walang relationship na mamamagitan sa kanila ni Xian. Pero ayaw niyang magsalita ng tapos dahil mapagbiro ang tadhana. Iba raw ‘yung katrabaho na walang MU, naibibigay mo nang todo ‘yung mga hinihingi sa eksena. Super kampante na si Kim kay Xian dahil sa dami na rin ng pelikulang pinagsamahan nila together. Wala raw kasing malisya kahit may kissing scene or bed scene silang dalawa.

Hindi naman pinagbabawalan ng pamilya si Kim makipagrelasyon. Nasa tamang edad na nga naman ang dalagang pumili ng lalaking magugustuhan niya. ‘Yun nga lamang, hindi pa raw dumarating si Mr. Right. Ayaw nitong madaliin ang mga bagay-bagay lalo na pagdating sa love. Kung darating siya at mararamdaman ni Kim siya na nga ang itinakda, hindi na raw niya pakakawalan. Lahat ng bagay na nangyayari kay Kim ay ipinauubaya niya kay Lord. “Siya ang nakaaalam kung sino ang magiging kapalaran ko. Siya rin ang nagbigay ng blessing kung anuman mayroon ako. Kay Lord ko na ipinauubaya ang lahat,” turan ni Kim.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield