Kim Chiu, hangang-hanga sa co-actors sa serye

ADVERTISING

Kim Chiu, hangang-hanga sa co-actors sa serye

Kim-ChiuALL PRAISES si Kim Chiu sa leading man niyang si Coco Martin sa Ikaw Lamang series ng ABS-CBN at iti-treasure daw niya ang mga natutunan sa aktor lalo na sa pag-arte.

Intense actor ang description ni Kim kay Coco. Hindi raw ito nagsasalita sa set at nasa malayo lang kapag may gagawing matinding eksena.

“Nando’n lang siya sa malayo, pero kapag eksena na, ang dami niyang pasabog na magugulat ka talaga,” tsika ni Kim nang dalawin namin siya sa set ng Ikaw Lamang na nasa last two weeks na lang.

Nagpapasalamat din si Kim sa Dreamscape for giving her the chance to work with great actors like Coco, Christopher de Leon, Amy Austria, Cherrie Gil, Angel Aquino, John Estrada and a lot more.

ADVERTISING

“Ang ganda-ganda ng experience ko sa Ikaw Lamang. Actually, it’s always a learning experience watching them and doing scene with these actors. Ang gagaling nila. Eh, sino ba naman ako, ‘di ba? Wala pa naman akong napapatunayan, pero sila, andu’n na, kaya thank you talaga sa Dreamscape,” she said.

Five taping days na lang ang natitira sa Ikaw Lamang kaya hindi maiwasang malungkot ni Kim sa pagtatapos ng serye.

“Ramdam na ramdam namin na mag-i-end na kasi marami nang nagpapakain… Nakakalungkot ‘yung feeling na after a year, ending na. Pero ang mahalaga naman, maraming magagandang nangyari habang nagti-taping kami at ‘yon ang hindi ko malilimutan,” malungkot na pahayag ng dalaga.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING