Kim Chiu, halata ang pagkairita sa relasyong Gerald Anderson at Maja Salvador!

ADVERTISING

Kim Chiu, halata ang pagkairita sa relasyong Gerald Anderson at Maja Salvador!

Kim Chiu, halata ang pagkairita sa relasyong Gerald Anderson at Maja Salvador!HINDI MAN aminin ni Kim Chiu na apektado siya sa date ng dating boyfriend na si Gerald Anderson at ang Itinuturing niyang “big sister” na si Maja Salvador, halata sa pananalita niya na iritado siya.

For the first time, may tonong pagtataray kay Kim na dati-rati nama’y never mong naringgan ang sweet and prime and proper na actress.

Si Maja, most likely, ang tsismis na may pagkamaldita, kung sa kanya marahil nangyari ito at ginawa ni Kim na nakipag-date man ito kay Matteo Guidicelli na hindi man lang kumatok si “little sister” kay Ate, expect na may pagtataray na magmumula sa kanya.

Kung sa bagay, nakapagtataka na almost two to three years nang break sina Kim at Gerald at may kanya-kanya nang buhay kung bakit ayaw pa ring tantanan ang dalawa na intrigahin basta’t may nali-link sa kanila.

ADVERTISING

Si Kim, romantically linked kay Xian Lim na nagpapasaya sa buhay niya . ‘I feel happy kapag nakikita ko siya,” pahayag ng aktres.

Si Gerald naman, after nila ni Kim ay na-link kay Sarah Geronimo, pero wala namang intriga at halos tanggap ng mga fan ni Kim. Pero with Gerald and Maja playing beautiful music together, halos ayaw ng sambayanan. May mga kumukontra.

An insider from the show Ina, Kapatid, Anak (Book 2) ang nagkuwento na after pumutok ang kontrobersiyal na litrato nina Gerald at Maja sa media, may pagbabago sa naging relasyon ng dalawang aktres.

“During lunch and dinner break, dati sabay sila kumakain at nagtsi-tsikahan pero ngayon, halata mo na naiilang sila. Nawala ‘yung kulitan nila.”

 

Kim Chiu, halata ang pagkairita sa relasyong Gerald Anderson at Maja Salvador!CONGRATULATIONS SA bagong mga halal na officers and Board of Directors ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Sa kabila ng intriga mula sa kalabang partido na pinangunahan ng dating PMPC President na si Julie Bonifacio, nairaos nang matiwasay ang eleksyon last Friday.

Congrats sa kaibigang Fernan de Guzman na nahalal bilang Presidente at Romel Galapon as his Vice.

I’m sure, after the election, kasunod na ang induction of new officers anytime this week (most likely this Friday) bago maging busy ang mga members sa PMPC Star Awards for Movies na gagawin sa March.

 

LOVE NI Robin Padilla ang kapatid na si Bb. Gandanghari. Kahit baklang-bakla si BB , mahal ng action star ang kapatid.

Kaya sa isyung gusto magpa-sex change ng kapatid, say ni Binoe: “Trip n’ya ‘yan kaya bahala siya. Kung saan siya masaya, du’n siya,” sabi nito.

Kababalik lang last week ni BB from the USA na sabi nagsimula na sa kanyang hormone intake para tuluyan nang lumambot ang features niya para maging itsurang babae, para anytime this year ay matutuloy na ang pagpapalagay niya ng “suso” at pagpapalit ng kanyang nota para maging kipay.

Pero after seeing Rustom—err… BB sa TV, hindi ko ma-imagine kung ano ang magiging itsura niya kung matuloy ang sex change niya.

Feeling ko nga, nag-iilusyon pa rin si Rustom-BB na gusto niya maging babae pero sa takbo ng utak niya, pananalita at galaw, mukhang malabo at balahura marahil ang kalalabasan ‘pag nagkataon.

Hindi ko masisisi si Robin na ang isang tulad niya na macho, brusko at lalaking-laki na pantasya pa rin ng mga kababaihan at mga beki kahit may asawa na ay may ka-patid na tulad ni BB. Na marahil si Robin ay gustong magising sa isang “bangungot”.

Kahit tumambling, makipagbakbakan man si Robin sa bago niyang seryeng Kailangan Ko’y Ikaw, wala na siyang magagawa.

By the way, we have nothing against transgenders at love namin sila like our friend Bemz “Sinta” Benedito of Ang Ladlad Partylist, we find her decent. Ewan ko kung bakit ako rin, hindi mag-sink-in si Rustom sa akin para maging isang BB Gandanghari.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING