Kim Chiu, gustong makatrabaho si Sarah Geronimo

ADVERTISING

Kim Chiu, gustong makatrabaho si Sarah Geronimo

Kim-Chiu-Sarah-Geronimo Kim-ChiuWILLING SI Kim Chiu na makatrabaho si Sarah Geronimo sa isang project.

“Oo naman,” was Kim’s answer to a fan’s query if she’s willing to work with the Pop Star in the future.

Both of them share something in common – Gerald Anderson – na ngayon ay napunta na kay Maja Salvador.

Kim gave her fans almost an hour to ask questions sa kanya through Twitter. With the #askKimChiu3, she was able to have an online bantering with her supporters while on break sa taping ng kanyang teleserye with Coco Martin.

ADVERTISING

Halos lahat ay itinanong including the simple, amusing questions.

When asked kung anong favorite niyang gawin kapag rest day niya, Kim said, “gym, movie or house lang!!:)”

Aside from her TV show, baliw na baliw pala itong si Kim sa “keeping up with the kardashians! im a super fan.”

Kahit na bigtime celebrity na ay kumakain pa rin pala ng tuyo itong si Kim.

Ang nakakaloka, mas takot ang hitad sa cats kaysa sa cockroaches.

And when it comes to the popular game Flappy Bird, “heeh level5 lang.:(“ ang naabot ni Kim.

Ang isa pang nakakalokang tanong ay ito: DO YOU WET YOUR TOOTHBRUSH BEFORE PUTTING THE TOOTHPASTE ON HAHA.” Yes ang naging sagot ni Kim.

Nag-second place sa Worldwide Trends ang #askKimChiu# at nag-third place sa Philippines Trends.

Gustong makatrabaho ni Kim si Sarah. Ang tanong, gusto ba siyang maka-work ni Sarah?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING