Kim Chiu at Coco Martin, click na ang tambalan

ADVERTISING

Kim Chiu at Coco Martin, click na ang tambalan

Kim-Chiu-Coco-MartinDAHIL SA sitwasyon ko na home person na because of my physical situation, naging fan na ako ng Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Coco Martin at Kim Chiu, na ngayon lang namin nalaman na isa pala sa mga top rater shows ng Kapamilya Network.

Dati, iniisip ko baka hindi mag-click ang tambalan ng dalawa sa telebisyon dahil si Kim identified kay Xian Lim.

Knowing ang mentalidad ng mga fans na kung sino ang gusto nilang love team ay ‘yun lang ang susuportahan nila.

Sa katunayan, may negative reaction nga sa simula nang malaman ng KimXi na si Coco na ang makakapareha ng dalaga.

ADVERTISING

Hindi raw sila bagay. May bithcy reaction sa simula na baka hindi makasabay si Kim sa galing sa acting ni Coco na alam naman natin ay pinanday sa mga projects na nagawa na niya at karanasan sa pag-arte.

Pero tensed ang eksena last Wednesday night dahil matapos tumakas sa supposed to be na pakakasalan niyang si Jake Cuenca na pinaabot pa ang kanilang engagement, sumama si Kim kay Coco at nagsama sila at sa araw ng kanilang kasal, ayun ka’t nahuli si Kim sa pinagtataguan nila ni Coco at ang aktor naman habang hinihintay ang kanyang mapapangasawa sa lugar na kanilang pagpapakasalan ay dinukot ng grupo ni Jake. Sa trailer para sa Thursday episode after mabugbog ay ililibing nang buhay si Coco.

Para for a change ng mga kadramadan sa teleserye ni Coco, magro-romcom naman sila ni Sarah Geronino via the film Maybe This Time with Ogie Diaz na ipalalabas na come May 28.

 

SA DARATING na Sunday May 4 ay simula ng Palarong Pambansa 2014 na magaganap sa Santa Cruz, Laguna na pinagtrabahuhan nang maigi ni Gov. ER Ejercito kung saan pangunahing mga bisita sa opening ceremony sina James Yap (for Basketball), Enhong Dee (for Swimming); Jericho Ejercito (for Track and Field) and Manny Paquiao (for Boxing). Bukas Saturday ay ang Governor’s Night naman na tipong pa-Welcome Dinner sa mga delegates na magmumula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING