Kim Chiu, binigyan ng surprise birthday party si Xian Lim

ADVERTISING

Kim Chiu, binigyan ng surprise birthday party si Xian Lim

Kim Chiu, binigyan ng surprise birthday party si Xian LimSA NAKARAANG blogger’s presscon ng pelikulang Hindi Ka Crush ng Crush Mo, kinumpirma sa amin ni Xian Lim na isang birthday party ang hinanda ni Kim Chiu para sa kanya.

Ayon sa aktor, gulat na gulat siya sa sorpresa sa kanya ni Kim, kung saan nandu’n halos lahat ang mga taong malalapit sa kanya. Hindi naman itinago ni Xian na sobra siyang na-touch sa ginawang iyon ni Kim para sa kanya.

Ayaw namang sabihin sa amin kung ano pa ba ang regalong ibinigay sa kanya ng kapareha bukod pa sa birthday party nga niya na hinanda nito, pero tiyak namin na bongga at mamahalin ito lalo’t kilala si Kim na galante sa mga taong malalapit sa kanya.

Hanggang sa ngayon, consistent pa rin sa pagsasabi na espesyal ang turing nila sa isa’t isa, pero wala pa talaga silang pormal na relasyon bilang magkasintahan.

ADVERTISING

Para sa amin, hindi man siguro umabot ang dalawa sa ganu’ng lebel, ang mahalaga ay nakahanap sila ng totoong kaibigan sa katauhan ng bawat isa, na mawala man sila sa showbizness ay maasahan pa rin nila kahit na ano ang mangyari.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING