Kim Chiu, binalikan ang bahay na nagpasikat sa kanya

ADVERTISING

Kim Chiu, binalikan ang bahay na nagpasikat sa kanya

Kim Chiu, binalikan ang bahay na nagpasikat sa kanyaMAKALIPAS ANG anim na taon mula nang siya ay tanghaling kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition big winner ay muling pumasok sa Bahay ni Kuya si Kim Chiu bilang isang house guest para tulungan si Big Brother na alaming mabuti ang mga tunay na personalidad ng PBB Teen Edition 4 housemates.

ADVERTISING

Inabangan ng lahat ang muling pagbabalik ni Kim sa Big Brother House kung saan nagsimulang matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Nasubaybayan noon ng mga manonood ang ilang mahahalagang kabanata sa buhay ni Kim. May masaya, malungkot, at nakakikilig na pangyayari na lalong nagpatingkad sa katauhan niya. As the Chinese Cutie from Cebu, Kim endeared herself to the viewers kaya naman matapos ang 42 days na pamamalagi niya sa loob ng bahay, she emerged as grand winner with 626,562 votes (41.4% of the total votes). She was the only housemate who was never nominated for eviction.

Nakakatuwang panoorin si Kim habang siya ay nakikihalubilo sa mga teen housemates. She was very natural na parang nasa loob lang siya ng kanyang pamamahay. As the “big sister” inside the house, Kim gave words of wisdom and encouragement to the current housemates. Sino ba naman ang pinakamahusay na makapagbibigay nito kundi ang isang taong katulad ni Kim who had experienced living inside a house where there are surveillance cameras positioned to watch her every movement aside from being prohibited to have any form of communication with the outside world.

Kim’s stay inside the house brought back happy memories not only for Kim but also for the viewers. It showed clips of a young Kim singing Peng You (Chinese word for friend) inside the confession room and her mission with fellow female housemates, kung saan nakatirintas nang kabit-kabit ang kanilang mga buhok while doing Kuya’s challenge.

ADVERTISING

Mukhang nanibago si Kim sa mga kabataan dahil sa kanilang mga kakulitan at kuwentong pag-ibig gaya ng isyu tungkol kina Yves Flores, Myrtle Sarrosa at house player na si Kim Balot. Kim is Yves’ girlfriend and best friend in the outside world while he has special feelings for Myrtle. Sinabi nga ni Kim na ang sitwasyon ng tatlo ay katulad ng kuwento ng kanyang pelikulang Paano Na Kaya. Who could forget her line from the movie, “Syinota mo ang best friend mo”?

Samantala, hindi nakawala si Kim sa panggu-goodtime ng mga teen housemates who played a prank on her. Nagpanggap si Myrtle na na-possess ng masamang espiritu na ikinabahala ni Kim kaya nang mabuko niya ito ay siya naman ang nagplano paano takutin ang mga housemates. Later that night, Kim played Sadako who knocked at the teens’ bedroom doors.

Nakalabas na ng Bahay ni Kuya si Kim at sa kanyang muling paglabas ay dala niya ang mga ‘di malilimutang karanasan na sa loob ng bahay lang niya maaaring makuha. Malayo na ang narating ni Kim sa kanyang career pero hindi pa rin niya nakalilimutang lumingon at dumalaw sa sikat na bahay kung saan nagbukas ng lahat ng oportunidad para sa kanya.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING