Kim Chiu at Xian Lim, sila na ba?

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, sila na ba?

Kim Chiu at Xian Lim, sila na ba?SILA BA o hindi sila? Ito ang tanong ng publiko tungkol sa totoong estado ng relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim. Although they are often spotted together, are very vocal kung ano ang nararamdaman nila para sa isa’t isa at magkasama pa sa primetime teleserye na Ina, Kapatid, Anak ay wala pa ring malinaw na pag-amin mula sa kanila hanggang ngayon.

ADVERTISING

Aminado ang dalaga na feel niyang special siya sa binata because he treats her family well. Sabi nga, kung gusto mong ligawan ang isang babae ay ligawan mo rin ang kanyang pamilya. Xian goes the extra mile to show how much he cares for Kim.

Ano pa ba namang pruweba ang kailangan ni Kim eh, pati pamilya niya ay sinusuyo rin ni Xian? Close si Xian sa mga kapatid ni Kim. At hindi ba’t ayon kay Kim ay noong nagpunta si Xian sa Cebu ay gusto niyang dalawin ang lola ni Kim at pumunta sa bahay nila dahil gusto niyang makikain.

Isa namang balitang tiyak na ikatutuwa at ikakikilig ng mga KimXi ay ang pagsunod raw ni Xian kina Kim sa Subic matapos magbakasyon ang aktres kasama ang pamilya nito sa Hong Kong last holiday season.

ADVERTISING

Kuwento ni Kim sa The Buzz, “Sumunod siya. Sabi niya, ‘Sama naman ako sa inyo.’ Ayun, pumunta siya sa Subic kasama niya iyong mga kapatid ko. Naki-post-Christmas [celebration] siya sa amin.”

Kinilig ba siya? “Siyempre nakakatuwa rin na hindi siya nahihiya sa pamilya ko.”

It seems like the young actor is still courting her. “Ayoko namang sabihin na sa akin galing, pero nararamdaman ko naman na nand’yan pa rin siya. Hindi siya napapagod. Basta masaya ako na okay sa pamilya ko, okay siya sa family ko, tinatanggap niya kahit anong sabihin ko.”

Mukhang ang matamis na ‘oo’ na lang ni Kim ang hinihintay ni Xian para tuluyan nang makumpleto ang kanilang totohanang love story. “Ayoko namang sa akin manggaling, pero hindi ko alam. Basta masaya ako ‘pag nand’yan siya at saka ‘di naman siya nagpi-fail na mapasaya hindi lang ako, pati ang family ko,” sabi ni Kim.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING