Kim Chiu at Xian Lim, obvious ang pagbi-build up ng loveteam

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, obvious ang pagbi-build up ng loveteam

Kim Chiu at Xian Lim, obvious ang pagbi-build up ng loveteam

NANG MAWALA SA eksena si Jolo Revilla sa My Binondo Girl nang isang linggo dahil nagkasakit ito, nag-shine ang character ni Xian Lim bilang girlfriend na ngayon ni Kim Chiu. Nawala tuloy ang magic nina Jolo at Kim sa isa’t isa. Naging sentro na tuloy ang pag-iibigan nina Xian at Kim. Halata mong bini-build up ang kanilang loveteam. Pati sa mga romantikong eksena ng dalawa, kapansin-pansing ginamitan pa ng themesong na si Xian yata ang kumanta. Tumutula na ewan habang binibigkas ang lyrics ng song. Nagpipilit maging singer kahit tunog lata naman ang boses. Hindi na lang mag-piano at gamitin itong back-ground music para mas maganda ang dating sa viewing public.

Nang huli naming ma-interview si Xian, sinabi nito na wala siyang type sa kahit sinong babae na taga-showbiz. Wala rin siyang girlfriend. Pero ngayon, biglang nag-iba ang kanyang dialogue. Puwede raw ma-develop into something ang friendship mayroon sila ngayon ni Kim. “I’m not closing may door, who knows, hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari. We both enjoy our company, masaya kami ngayon,” say ni Xian.

Para sa amin, mas may kilig factor sina Kim at Jolo, kita mo agad na ang lakas ng chemistry nila on screen. Nakaka-relate pa ang masang Pinoy sa kanilang dalawa. Ewan lang, kung tuluyan na silang paghihiwalayin, baka naman sa bandang huli kaya, sila rin ang magkatuluyan.

ADVERTISING

Effective na kontrabida si Maja Salvador na lihim na umiibig kay Xian. Wala siyang hindi gagawin para lang mapasa-kamay niya ang binata. Very challenging ‘yung role na nagampanan niya with flying colors. Hindi kaya may hawig sa totoong buhay ang character na ginagampanan ng dalaga. May tsika, walang lalaking nagustuhan niya na hindi niya nakuha. Ganu’n ?

Kim Chiu at Xian Lim, obvious ang pagbi-build up ng loveteam

MATAPOS ANG MATAGUMPAY na US concert tour kasama sina Piolo Pascual at Yeng Constantino, nag-perform naman si KC sa pinakaaabangang opening ceremonies ng ika-26 na Southeast Asian Games sa Palambang, Indonesia. Inawit ng dalaga ang “Together We Will Shine” kasama ang Indonesian actress-singer Agnes Mojica at Malaysian belter na si Jacklyn Victor.

Lutang na lutang ang beses ng anak ni Sharon Cuneta sa nasabing venue. Outstanding ang kanyang performance na pinalakpakan at ‘yung ibang audience ay tumayo sa kani-kanilang upuan bilang pag-hanga sa dalaga.

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni KC na sobra siyang nag-enjoy sa Indonesia. Sobrang suporta ang ibinigay sa kanya roon ng ating mga kababayang OFW. Tunghayan uli ang kapana-panabik na performance ng singer-actress sa opening ceremonies ng 26th SEA Games, na ipalalabas sa Studio 23.

Speaking of KC and Piolo, parang walang nangyari sa kanila ni Papa P, back to each other’s arms uli ang drama nilang dalawa. Well, lahat naman nang relasyon may pinagdaraanang problema na sila lamang ang nakaaalam. Hayaan na lang natin silang maging masaya’t maligaya sa kanilang relasyon.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING