Kim Chiu at Xian Lim, naghahanda na sa bago nilang project sa Dos

Xian-Lim-Kim-ChiuMAY MGA nakikita na kaming latest posts ni Xian Lim sa Instagram account niya kasama si Kim Chiu. Meron pa nga silang picture na nasa gitna ng swimming pool. If I’m not mistaken, mukhang naghahanda na ang dalawa sa bagong project na gagawin nila sa ABS-CBN.

Magandang timing din na simulan na agad ang new TV show for Kim and Xian dahil kakatapos lang nilang mag-win sa Pepsters Choice ng PEP at sa Box Office Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation. Ibig sabihin, hot item pa ang magka-loveteam.

Ang balita namin ay isang rom-com project ang ihinahanda ng Dos para sa dalawa at hindi teleserye. Si Mae Cruz naman daw ang naatasang magdirek nito.

“Matagal din kaming hindi ulit nagkatrabaho ni Kim sa TV, kaya sobrang excited kami pareho sa gagawin namin. Tiyak na matutuwa ang supporters namin dahil medyo level-up na kami rito,” balita pa ni Xian.

Sa muling pagsasama ng magka-loveteam, aaminin na kaya nila ang tunay na status ng kanilang relasyon? Abangan!

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleAlice Dixson, target magpabuntis ngayong taon, patutunayang hindi siya baog
Next articleJames Reid at Nadine Lustre, naggagamitan lang para sa kanilang loveteam

No posts to display