Kim Chiu at Xian Lim, nagde-date na!

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, nagde-date na!

Kim Chiu at Xian Lim, nagde-date na!DENY NANG deny itong si Elmo Magalona na hindi niya dyowa si Lauren Young, pero tila patuloy ang sighting sa kanilang dalawa.

Just recently, nakunan ng litrato ang dalawa habang naglalakad. Katatapos lang ni-lang kumain sa isang kilalang coffee shop sa bandang Vito Cruz sa Maynila.

Nakatalikod na nakunan ng litrato ang dalawa habang naglalakad pero sure na sure ang kumuha na silang dalawa iyon.

Ang alam namin ay sa isang private school sa bandang Taft nag-aaral si Elmo kaya puwede ngang silang dalawa ang naispatan.

ADVERTISING

Anyway, tapos na ang promo ng Just One Summer kaya siguro wala nang pakialam si Elmo kung makita man siyang kasama si Lauren.

 

NAKITA RING magka-date sina Kim Chiu and Xian Lim recently.

The two were captured in a photo which came out in a popular website bagama’t hindi sila pinangalanan.

Actually, hindi naman napakalapit ng kuha sa kanila. Si Kim ang medyo makikilala kaagad dahil siya ang kitang-kita.

Hindi naman silang dalawa lang ang magkasama. Actually, isang alalay ang ka-join nila sa dinner nilang iyon sa isang steak house sa bandang Tomas Morato.

Nagwaging Couple of the Night sina Kim and Xian, so ang ibig bang sabihin nito ay magdyowa na sila?

Ang ibig rin bang sabihin ng dinner ng dalawa ay sila na talaga?

Well, ang alam namin ay palaging invited si Xian kapag may special occasion sa bahay ni Kim. ‘Yun lang!

Baka naman na-develop na ang dalawa? Or baka rin naman pinalalakas lang ang love team nila kaya parati silang pinagsasama.

Kim Chiu at Xian Lim, nagde-date na!

KRIS AQUINO found herself explaining about her pakikipag-date.

Marami kasi ang nagka-interest when she admitted that she’s into dating again. And it was quite a surprise for her followers to learn na si Makati Mayor Junjun Binay ang kanyang dine-date.

But Kris is quick to claim on Twitter that she was misinterpreted, na hindi si Mayor Binay ang kanyang idine-date.

“I got to talk to Mayor Jun Binay & we laughed about how what I said this morning was misinterpreted. Kwentuhan ko naman daw sya who the person I referred to really is… I told him, Jun at least I’m not as madaldal as every1 assumes. May capability ako to keep things quiet & private,” tweet ni Kris.

Kung hindi si Mayor Junjun ang dine-date ni Kris ay sino ang lucky guy?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING