Kim Chiu at Xian Lim, nag-level up na ang friendship!

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, nag-level up na ang friendship!

Kim Chiu at Xian Lim, nag-level up na ang friendship!IS KIM Chiu and Xian Lim taking their friendship to the next level?

ADVERTISING

It is said that the young actor had already met Kim’s family and they had dinner together. Kuwento ni Xian sa Push.com.ph, “Nandoon iyong family niya, her titas and her lola came from Cebu so I had dinner with them. I’m really thankful to be introduced to [her] family. Kasi if you guys are ‘hi, hello’ lang, it’s very functional lang. But if it boils down to you [to] meet her family, it means there’s sincerity, it’s genuine. Wala namang masamang kumain ng dinner kasama iyong family. ‘Di ba wala namang masama roon? We’re happy. I’m really happy na na-meet ko na sila kasi parang I’m getting to know more about the person.”

Maituturing na pogi points para kay Xian na makilala ang pamilya ni Kim. ‘Di ba sabi nga nila, kung gusto mong ligawan ang isang babae ay ligawan mo rin ang kanyang pamilya? At ito nga ang ginagawa ngayon ni Xian. May balita pang close rin siya sa mga kapatid ni Kim.

Aminado si Xian na kinakabahan siya habang ipinapakilala ni Kim sa mga kamag-anak nito. “I was excited but at the same time nahihiya ako. Mukha talaga akong namumula,” sabi niya.

ADVERTISING

Pero kung nakilala na ni Xian ang pamilya ni Kim ay ganoon din naman ang dalaga who got the chance to meet Xian’s mom. “Yes, na-meet na rin niya iyong mom ko pero hindi pa sila nagkausap,” he shared.

Masaya ngayon si Xian dahil sa maganda ang takbo ng kanyang career at lovelife. Xian and Kim were recently spotted watching Brian McKnight’s concert.

Kahit tapos na ang kanilang primetime teleserye na My Binondo Girl, Xian and Kim still find time to enjoy each other’s company. “Wala namang nagbabago sa mga nangyayari sa amin porke’t natapos iyong soap. It’s not going to change. Katulad nga ng sinasabi ko palagi, I’m always going to make her feel special. Let’s say we see each other, yes. Hindi lang naman sa taping nagtatapos, hindi naman porke’t natapos ang My Binondo Girl, tapos na ang lahat. Nothing changed at kung may magbago man, it’s probably growing,” paliwanag ni Xian.

Kim Chiu at Xian Lim, nag-level up na ang friendship!

Tiyak na abot-langit ang kilig ng mga KimXi at Jandy fans dahil sa mga latest developments sa relasyon ng kanilang mga idolo.

Walang dudang mas lalong lumalalim ngayon ang pagkakaibigan nina Kim at Xian who previously worked together on My Girl, Your Song Pre-sents: My Only Hope, at Minsan Lang Kita Iibigin bago sila nagtambal sa My Binondo Girl.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING