Kim Chiu at Xian Lim, mas lumalalim ang relasyon

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, mas lumalalim ang relasyon

Kim-Chiu-Xian-LimPara sa Pasko, may maagang regalo sina Kim Chiu at Xian Lim sa kanilang mga fans. Sa pagigiging malihim ng dalawa, lumuwag na rin nang konti si Kim sa kanyang feelings towards Xian sa press launch ng MMFF entry ng Star Cinema na “All You Need is Pag-ibig” mula sa direksyon ng hugot director na si Antoinette Jadaone.

Yehey! Say ng dalaga: “All I need is Xian.” Na pagkabitaw ni Kim ng linyang ‘yan, si Xan biglang namula at tumitig nang pa-cute sa dalaga. The last time na dumalo ako sa presscon nina KimXi, medyo pigil na pigil pa ang dalawa, lalo na ang dalaga sa feelings niya towards Xian.

Sabi ni Xian after hearing Kim’s statement, “Everyday na palagi ko siyang nakikita, lalong lumalalim ang “feelings” ko sa kanya” sabi ng binata publicly. Sa katunayan, mas passionate daw ang kissing scene nina KimXi sa pelikula ayon sa isang Star Cinema insider na nakausap namin lalo pa’t mas nag-mature na sila.

The fact na ang dalawa magkasama sa Palawan (for their new teleserye for 2016) nang matagal-tagal, mas lalong lumalalim ang relasyon nila. Sige na nga, no more labelling. Yes hind magkarelasyon sina KimXi. Hindi boyfriend ni Kim si Xian or vice versa. Ang mahalaga, ang something special between them ay sapat nang kumpirmasyon kung ano man sila sa isa’t isa.

ADVERTISING

Sa movie ka-join ng KimXi sina Pokwang, Ian Veneracion, Jodi Sta. Maria at Kris Aquino who plays a television love adviser sa movie na mai-involve naman kay Derek Ramsay.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING