Kim Chiu at Xian Lim, huling-huli ang sweet moments sa Star Magic Sportsfest

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, huling-huli ang sweet moments sa Star Magic Sportsfest

Kim Chiu at Xian Lim, huling-huli ang sweet moments sa Star Magic SportsfestTIYAK NA masayang-masaya ngayon ang mga avid Kim Chiu at Xian Lim fans dahil kumpirmadong tuloy na tuloy na ang muling pagtatambal ng dalawa sa isang serye na niluluto sa ngayon ng ABS-CBN. Pagkatapos ng tagumpay ng Ina, Kapatid, Anak, labis-labis ang pasasalamat ng dalawa sa kanilang mga tagahanga dahil ang mga ito ang ‘di tumigil sa katu-tweet at kame-messsage sa management ng ABS na magkaroon muli ng serye sina Kim at Xian na madalas ay nagte-trend pa sa Twitter.

Kung dati ay pinaiyak nila tayo sa mga seryeng pinagtambalan nila gaya sa Ina, Kapatid at Anak, ngayon ay iba namang tema ang gagawin ng dalawa kung saan may pagka-comedy at magaan naman ang tatakbuhin ng istorya.

Sa nakaraang Star Magic Sportsfest 2013, halos ‘di mapaghiwalay ang dalawa, nag-cheer si Kim kay Xian sa basketball game nito laban sa koponan nila Gerlad Anderson, kung saan tinalo nina Xian ang kalaban; sa badminton at volleyball games naman ng aktres ay nandu’n si Xian para magbigay-suporta para sa kapareha.

Isang reliable source ang nagsabi sa amin na pagkatapos ng badminton game ni Kim ay nag-appear ang dalawa, pagkatapos ay humilig ang aktres sa balikat ni Xian sa pag-aakalang walang nakakikita sa kanila na press. Hindi namin deretsahang masasabi kung sila na bang dalawa, pero sa nakikita namin ay nandu’n kina Kim at Xian ang mataas na respeto, tiwala at pagkakaibigan sa isa’t isa. Na tulad namin ay pinaniniwalaan ng aktor na kung mauuwi man sa mas malalim na relasyon ang samahan nila ni Kim, mas maganda na may matibay silang pundasyon na hindi agad-agad na masisira ng anumang intriga o pagsubok na darating sa kanila.

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, huling-huli ang sweet moments sa Star Magic Sportsfest

KINUMPIRMA SA amin ni Derek Ramsay na nauwi na nga sa break up ang wala pang isang buwang relasyon nila ni Cristine Reyes.

Nang tanungin namin kung bakit at ano ang nangyari, kung naging generous noong una sa amin ang aktor na aminin ang kanilang relasyon, ngayon ay nakiusap naman sa amin si Derek na ayaw niya munang magsalita tungkol dito at nirerespeto naman namin ang pakiusap sa amin ng aming kaibigan.

Siniguro lang sa amin ni Derek na maayos siya at mas pinahahalagahan niya ang pagiging magkaibigan nila ni Cristine, nangako naman sa amin na magsasalita siya ‘pag handa na siya pero sa ngayon ay pipiliin niya muna talagang manahimik na lang.

Marami ang nagsasabi na gimik lang ang lahat para mapag-usapan sila, may iba namang nagsasabi na hindi naman daw talaga naging sila Cristine at Derek at lahat ay bahagi lamang para sa promo ng kanilang pelikula, ang Trophy Wife.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING