Kim Chiu at Xian Lim, hanggang loveteam lang?!

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, hanggang loveteam lang?!

Kim Chiu at Xian Lim, hanggang loveteam lang?!KAHIT HINDI mag-dyowa sina Kim Chiu at Xian Lim, kumita sa takilya ang pelikula nilang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? ng Star Cinema. Ito ang first team-up ng dalawa ng tumabo ng 100 million sa halos tatlong linggong showing sa mga sinehan nationwide. Masasabing certified blockbuster ang comedy film na ito nina Kim at Xian and first film adaptation ng best selling self-help book ni Ramon Bautista na kasama rin sa cast.

Sabi nga ni Direk Joyce Bernal, kakaiba raw ang kuwentong ito, ang pag-move-on ng isang heart-broken na ginagampanan ni Kim. Sa tulong ng mayaman ay guwapo niyang boss na si Xian, malalaman sa pelikula ang kasagutan ng isang pusong wasak at nasugatan.

Pakiwari namin hanggang ngayon, hindi pa rin nakaka-move-on si Kim sa naudlot nilang relasyon ni Gerald Anderson kahit okay na sila. Hindi ganu’n kadali para sa actress na kalimutan ang kanyang first love, kahit ilang taon na silang hiwalay ng binata. Nakailang relationship na nga ba ang actor bago naging sila ni Maja Salvador?

Samantalang si Kim, zero pa rin ang lovelife magpahanggang ngayon. Hindi pa raw nakikita ng actress ang lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso. Still searching for Mr. Right. Hindi raw niya ito hinahanap. Kusang darating kung itinakda si Mr. Right para sa kanya.

ADVERTISING

Hindi man diretsong sinabi ni Kim, tipong malabong maging sila ni Xian. ‘Yung pagiging sweet, loving at maalalahanin  ng binata, ‘yun ay bahagi lang ng pagiging magka-loveteam nila para sa ikaliligaya ng mga fans. Kaibigan lang ang turing niya sa actor.

Maging si Xian, hindi nito masabi nang diretsuhan kung nangliligaw nga siya kay Kim. Hindi mo maramdaman sa kanya ‘yung sincerity na type niyang ligawan ito. Puro pang-showbiz  ang palaging nagiging sagot ng dalawa tuwing iniinterbyu sila ng press. Hanggang ngayon yata, hindi pa kilala ni Xian Lim ang kanyang sarili. Nandu’n kasi ang takot na baka hindi siya maunawaan ng media at ng kapwa niya artista kung sino nga ba talaga siya?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING