Kim Chiu at Xian Lim, ‘di kailangang umamin para kumita ang pelikula

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, ‘di kailangang umamin para kumita ang pelikula

Kim-Chiu-Xian-Lim Xian-Lim-Kim-ChiuINUMPISAHAN SA Bakit ‘Di Ka Crush Ng Crush Mo? at heto’t in 4 days’ time ay sumampa na sa P100M mark ang latest movie nilang Bride For Rent, kaya congratulations kina Kim Chiu, Xian Lim at sa lahat ng bumubuo ng 20th anniversary offering na ito ng Star Cinema.

So, hindi lang ito basta tsamba, ‘di ba? Talagang bankable ang loveteam na kahit iniintriga ay hindi pa rin natitinag sa kanilang nakakikilig na tambalan.

So, ibig bang sabihin nito, mas magandang ‘wag na munang umamin sina Kim at Xian sa kanilang relasyon kung ang ‘di pag-amin ang magiging tulay para sa mga susunod pang blockbuster hits?

In the first place, me aaminin ba?

ADVERTISING

O, ie-explain ko pa ba? Hahaha! Charot!

Anyway, you can’t argue with success, kaya again, congrats, KimXi!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING