Kim Chiu at Xian Lim, blockbuster ang bagong pelikula

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, blockbuster ang bagong pelikula

Kim-Chiu-Xian-Lim Xian-Lim-Kim-ChiuKUNG TAMA ang itinimbre sa amin, naka-P21.2M ang first day gross ng Bride For Rent, kaya isang malutong na congrats sa bumubuo ng Star Cinema movie.
Hindi nakaapekto sa box-office result ang “I don’t owe you any of our personal lives” ni Kim Chiu na ikina-offend daw ng beteranang reporter na si Tita Aster Amoyo.
Pero kung kami ang tatanungin, nakatulong pa nga ‘yon para ma-curious ang mga taong panoorin ito.
Actually, ‘yung title pa lang nito at ‘yung trailer ang nagsilbing “tulay” para ma-curious ang mga taong panoorin ito.
Kaya congrats kina Kim ay Xian Lim, dahil sa aming twitter mentions ay pawang magaganda ang reaction ng mga followers namin sa tanong namin kung gaano kaganda ang movie.
Kaya para hindi na rin kami mukhang tangang hindi alam ang pinag-uusapan ng buong bayan eh, panonoorin na rin namin ito next week siguro.
Alam na, Roxy Liquigan at Mico del Rosario, kumbakit next week pa namin panonoorin ng buong family, ha?
Dahil ayaw naming makipagsiksikan.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING