Kim Chiu at Xian Lim, bakit ayaw pang umamin?

ADVERTISING

Kim Chiu at Xian Lim, bakit ayaw pang umamin?

Kim Chiu at Xian Lim, bakit ayaw pang umamin?SA TOTOO lang hindi ko na alam kung anong “eklat” meron ang mga artista natin na kapag lovelife na ang tinatanong sa kanila. Most of the time, denial ang nakukuha mo na sagot.

Ang baliw na si Angeline Quinto, umamin recently na nagkaroon daw sila ng relasyon ni Coco na hindi naman nagtagal. (May nagka-interest ba?)

Bakit, umamin ba sila ni Coco? Never naman, ‘di ba? Sa katunayan, nang uriratin si “Juan”, say lang niya, nirerespeto niya ang statement ni Angeline. (Saklap!)

Same thing sa pase’ na pag-amin ni Jessy Mendiola na naging sila ni JM de Guzman na during her recent presscon, lumuha ng sangrekwa si Jessy habang ikinukuwento ang pag-ibig niya sa binata na hindi na nagkaroon ng interest ang karamihan sa press na kinuwentuhan niya.

ADVERTISING

Nagtataka lang ako kung bakit may mga artistang sinungaling. O baka naman strategy ito ng mga tao behind their careers, hindi kaya?

Kaya nga ang mga artista na nag-e-emote ay naka-karma nga lang siguro at umiyak sila kasama ang sanglaksang dugo na kapag nag-break sila o inagaw o ‘di kaya’t nangaliwa ang ka-partner nila ay dahil sa kasinungalingan nila.

Kaya aprub sa akin ang mga pag-amin ng mga showbiz personalities ng relasyon nila tulad nina John Llyod Cruz-Angelica Panganiban; Luis Manzano-Jennylyn Mercado at ‘yong mga relasyon na hindi maramot sa publiko at media.

Sa kaso ni Kim Chui at Xian Lim, napapailing na nga kami kapag tinatanong sila tungkol sa relasyon nila.

Very 80’s (Sharon Cuneta-Gabby Concepcion days) pa ‘yun na ayaw nilang i-verbalize o mag-declare ng kanilang commitment para saksi ang media at publiko ng kanilang pagmamahalan.

In fairness, isa sa interesting na relasyon sa showbiz ay ang kina Kim at Xian. Mula nang humiwalay si Kim sa imahe ni Gerald Anderson at na-link siya kay Xian, naging maganda ang pagtangap ng fans sa dalawa. Kaya nga for the first time, masusubukan kung gaano kabisa ang tambalan nila sa unang pelikula nila (tried and tested na sila sa telebisyon) via a movie na halaw sa libro ni Ramon Bautista na “Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo?” sa direksyon naman ni Bb. Joyce Bernal.

Will they click kaya sa pelikula at ganu’n din kaya karami ang mahahakot nilang fans tulad sa huling shows nila sa Kapamilya Network?

Basta Xian admits that he will always be a helping hand sa lahat ng pagkakataon para kay Kim. “I will always be her defender at all times and that’s a promise,” sabi ng binata.

Ewan ko ba kung bakit sa itinagal-tagal nila as “friends” ay kung bakit ayaw pa nilang umamin?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING