Kim Chiu at Maja Salvador, sino nga ba ang nagsasabi ng totoo?

ADVERTISING

Kim Chiu at Maja Salvador, sino nga ba ang nagsasabi ng totoo?

Kim Chiu at Maja Salvador, sino nga ba ang nagsasabi ng totoo?NAKA-USAP NAMIN si Kris Aquino sa nakaraang premiere screening at grand presscon ng kanyang teleserye, kung saan masayang-masaya at ‘di pa rin makapaniwala ang TV host/actress sa laki ng kinita ng pelikulang Sisterakas. Hanggang sa ngayon ay pinapanood pa rin ng tao kung saan nakaabot na ito ng P280 million at napalitan na ang Praybeyt Benjamin as highest grossing film of all time.

Consistent pa rin si Kris na hindi niya gagawin ang sequel ng Sisterakas gaya ng sinasabi ng iba o may kaba siya sa susunod na pelikulang gagawin. Aminado si Kris na kakabahan siya na baka kahit kalahati man lang ay ‘di maabot ng susunod na gagawin niyang pelikula. Malaki ang posisblidad na kung may gagawin siyang pelikula, ito ay ang pagsasamahan nila ni Eugene Domingo, kung saan magko-co produce siya kasama ang Star Cinema, Spring Films at ang film outfit ni Atty. Joji Alonzo.

Bukas na aklat na malapit na kaibigan si Kim Chiu, agad naming tinanong si Kris kung ano ang suporta na binibigay niya ngayon sa young actress ngayong may pinagdaraanan ito dahil sa panliligaw ng ex nitong si Gerald Anderson sa bestfriend na si Maja Salvador.

Ayaw pumili sa dalawa dahil malapit din ang loob kay Maja, aminadong nakapag-usap na sila ni Kim at pinayuhan niya ito na nasa maganda nang katayuan ang buhay nito at mas maganda na magpokus na lang ito doon at ‘wag nang lumingon pa sa nakaraan.

ADVERTISING

Ayon kay Kris mas maiintindihan ng tao si Kim kung alam malalaman ng mga ito ang buong nangyari, ang tinakbo ng mga bagay-bagay. Nagbiro pa nga ang TV host na parang tema ng kanyang serye ang mga pangyayari. Siniguro lang na maayos na maayos si Kim, ang ayaw niya ay magmukhang bitter pa ang young actress sa nangyari kung saan naging bukas naman ang aktres na matagal na siyang naka-move on kay Gerald, at ang pinanghihinayangan lang niya ay ang pagkakaibigan nila ni Maja.

Box-office hit ang Sisterakas, mataas ang ratings ng Kris TV at hinuhulaan na mainit ding tatanggapin ng publiko ang serye, binibigyan ni Kris ang sarili ng 3-5 taon para magtrabaho at manatili sa showbizness dahil paglipas nito ay gusto naman niyang pansin ang personal niyang buhay at kaligayahan.

 

IBA’T IBANG kuwento ang nakakarating sa amin tungkol sa tampuhan sa pagitan ng magkaibi-gang Kim Chiu at Maja Salvador na ang pinag-ugatan ay ang panliligaw ni Gerald Anderson kay Maja.

Ayon kay Maja, alam ni Kim ang lahat nang nangyayari sa simula pa lang ng pagpaparamdam sa kanya ng aktor. Pero ayon sa source na nakausap namin, nagsabi na lang daw si Maja kay Kim nu’ng lumabas na ang mga picture at pumutok na ang mga balita tungkol sa kanila ni Gerald.

Kung matatandaan, may grupo noon sina Kim, Erich Gonzales, Kitkat, Empress kung saan sumama ang loob ng mga ito kay Kim dahil nga naging kaibigan ng mga ito si Maja at mas pinili nito ang aktres kaysa sa kanila.

Ayaw naming manghusga sa nangyari dahil wala tayo sa sitwasyon ng bawat isa sa kanila. Pero naiintindihan namin ang pinanggagalingan ng aktres.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING