Kim Chiu at Maja Salvador, nasisira ang friendship dahil kay Gerald Anderson?!

ADVERTISING

Kim Chiu at Maja Salvador, nasisira ang friendship dahil kay Gerald Anderson?!Kim Chiu at Maja Salvador, nasisira ang friendship dahil kay Gerald Anderson?!MUKHANG MAGKAKASIRA pa sina Kim Chiu at Maja Salvador all because of Gerald Anderson.
Balitang-balita kasi na in-unfollow na ni Kim si Maja sa Instragram application nito.
Could it be because Kim is harboring ill feelings towards Maja na sinasabing idine-date ngayon ni Gerald?
Until now ba ay mahal pa rin ni Kim si Gerald? Ang feeling ba niya ay trinaydor siya ni Maja by dating her ex-boyfriend?
Teka, hindi ba’t magdyowa na sina Kim at Xian Lim? Bakit parang hindi pa naka-move on itong si Kim kay Gerald.
Maja, through a friend, denied rumors that she’s dating Gerald. Nag-umpisa kasing ma-link ang dalawa nang lumabas ang isang photo na kuha sa Misibis Bay sa Bicol na magkasama ang dalawa. But they were not just two of them, marami silang kasama and it looked like an outing.
WE ADMIRE Sarah Lahbati for her audacity to defend herself.
Grabe ang kanyang accusation ng “under the table deals” sa dalawang officials ng GMA-7. Certainly, this young lady is not a coward.
Annette Gozon-Abrogar denied Sarah’s allegations that she was “offered by the daughter of the Network owner to join a company that does under the table deals in GMA and subtract 40 percent from my salary.”
“Sarah’s tweets contain false and malicious claims and cannot be used to defend her actions.
“I have treated artists and all talent managers professionally, fairly and above board.
“Moreover, Sarah’s projects and shows for the whole of 2012 easily belie her claims of being treated unfairly by the Network.
“I have already consulted my lawyers for any legal action that I can take against her,” sabi ni Annette sa isang official statement.
Sabi ni Sarah, she was being asked to sign a co-management contract with ICONS talent management in a meeting with Annette and Arsi Baltazar.
With that, Sarah must have felt na okay naman pala ang co-management so she signed up with Royal ERA management until sinabihan siya ng GMA na bawiin ang kontrata niya roon dahil exclusive star siya ng network. Pinawalang-bisa na ang kontrata ni Sarah sa Royal ERA.
If we were Sarah, mag-file na lang siya ng complaint sa korte. Tutal, mukhang sa korte rin naman hahantong ang lahat.
Teka, bakit ang head ng ICONS ay tila walang comment kahit nasasangkot na sila sa gulong ito ni Sarah sa GMA-7? Their silence is deafening!

Kim Chiu at Maja Salvador, nasisira ang friendship dahil kay Gerald Anderson?!MABAIT ITONG si Kristine Velasco ng GMA-7. Very patient kasi siya sa paghihintay ng tamang break mula sa network.
Kasama siya sa Indio na pinagbibidahan ni Bong Revilla.
Huminto ng two years sa showbiz si Kristine who took up Arts Management sa De La Salle College of St. Benilde.
Now that she’s back in showbiz ay sumabak naman siya sa “intense workshop”.
Is she ready na magpaseksi maski sa telebisyon?
“Okay lang naman pos a akin basta ‘wag lang po ipakikita lahat. Feeling ko po masasabi ko po ‘yon kapag may offer na.”
Right now, walang boyfriend si Kristine after her last relationship failed.
“Alam ko naman sa sarili ko na I’m not prepared to submit because I want to accomplish more. Ayoko namang mag-suffer ang aking ka-partner,” she said about not entering into a relationship now.
Ang maganda kay Kristine, may fallback siya kapag hindi siya sinuwerte sa showbiz. Puwede siyang magtrabaho sa abroad.
“I’m actually thinking and considering it po. Like I was telling mom, if ever it doesn’t work out I might go to Singapore to have a vacation and then work there and be back in the Philippines to enroll at Ateneo Law School.”

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING