Kim Chiu at Maja Salvador fans, ayaw patalo sa isa’t isa!

ADVERTISING

Kim Chiu at Maja Salvador fans, ayaw patalo sa isa’t isa!

Kim Chiu at Maja Salvador fans, ayaw patalo sa isa’t isa!NAGMISTULANG MAY pa-contest na palakasan ng sigawan at tili ang mga fans nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ginanap na celebrity premiere ng kanilang serye sa Trinoma Cinema 7, sa tuwing ipinakikita sa widescreen ang kani-kanilang iniidolo. Halos wala ka nang marinig sa lakas ng mga sigawan at tilian.

ADVERTISING

Dumagsa ang fans nina Kim at Maja na sa tingin ng mga reporter na naimbitahan ay puwedeng magbanggaan sa hinaharap dahil ayaw patalbog sa isa’t isa ang fans ng dalawa.

Kaya lang sa premiere, medyo nabitin ang mga fans nina Kim at Maja dahil ang first 5 episodes ng teleserye lang ang ipinalabas sa Trinoma. Sabi ay sa second week pa ng episode ipalalabas ang eksena nina Kim at Maja na malalaki na sila.

Ang bagong teleserye ay ididirek nina Don Cuaresma at Jojo Saguin na nagtataglay na malalim na kuwento ng pakikipaglaban sa pag-ibig at karapatan na pinagbibidahan nina Kim, Maja, Enchong Dee, Xian Lim, Janice de Belen, Cherry Pie Picache, Ronaldo Valdez, Eddie Gutierrez at Ms. Pilar Pilapil.

ADVERTISING

Sa unang episode, masasaksihan ang labanan sa pagalingan ng acting sina Cherry Pie et Janice. Grabe ang patutsadahan at kumprontasyon ng dalawa.

Kaya dapat lang kapag lumabas na sina Kim at Maja ay magpakitang-gilas din sila para hindi mapag-iwanan ng husay at galing nina Janice at Cherry Pie.

 

DINEDMA NA lang ni Marian Rivera ang tsismis na kumakalat sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes at kay Isabelle Daza.

Ayon sa manager ni Marian na si Popoy, may nakuha na raw itong impormasyon kung sino ang nagpapakulo sa naturang tsismis. Kaya nagtataka lang daw siya kung bakit may ganoong tsismis at nasasangkot pa ang alaga niya.

Although itinanggi na ng kampo ni Isabelle at maging ni Dingdong ang isyu, kaya ang reaksyon na lang ni Marian ang hinihintay ng press.

Tiyak sa presscon ng bagong shows ni Marian sa GMA-7, uuriatin ng press ang actress sa nasabing isyu.

Samantalang sa isang taon ay dalawang malaking pelikula ang naka-takdang gagawin ni Marian, ‘yung Valentine movie nila ni Richard Gutierrez at ang nabinbin na pelilkulang pagsasamahan nila ni Coco Martin.

Kim Chiu at Maja Salvador fans, ayaw patalo sa isa’t isa!

BLIND ITEM: Sino itong mother ng child star na madalas magreklamo at laging umaangal sa talent fee NA natatanggap ng  anak dahil medyo maliit.

Dahil na rin daw sa madalas magreklamo ng mother ng child star, balak ng manager ng bata na siyang nagpasikat kaya nakilala ito at kumikita na ay bitawan na lang ito pagkatapos ng kanilang kontrata.

Hindi na raw masikmura ng manager ang pakikialam at pagrereklamo ng mother ng child star samantalang hindi naman nawawalan ng project ang child star.

Umaasa lang daw kasi ang magulang ng bata sa kinikita nito kaya madalas magreklamo na gawing mataas ang talent fee ng bata?

Kawawang child star daw dahil kayod marino na nga raw ito ay ‘di pa rin kuntento ang magulang sa kinikita nito.

Hindi kaya nasusulsulan lang ang magulang ng child star ng iba kaya siguro raw ay nagrereklamo ito sa tinatanggap na talent fee daw diumano ng bata?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING