Kim Chiu at Gerald Anderson, tapos na ang tampuhan

ADVERTISING

Kim Chiu at Gerald Anderson, tapos na ang tampuhanKim Chiu at Gerald Anderson, tapos na ang tampuhanNATAPOS NA NGA ang tampuhang nauwi sa break-up nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Kahit walang pag-amin sa dalawa na naging sila, hindi maitatanggi na naging malalim ang kanilang relasyon. Ang sinasabing naging dahilan diumano ng kanilang paghihiwalay ay si Bea Alonzo na itinanggi naman ng aktres. Paano raw magiging sila ni Gerald, hindi naman daw nanliligaw ‘yung tao. Hanggang kaibigan lang ang pagiging malapit nila sa isa’t isa, pagdidiin ni Bea sa kanyang mga interbyu.

Diretsong inamin ni Gerald na totoong nagkatampuhan sila ni Kim. “Lahat naman ng mga tao ay nakararanas ng tampuhan. Kahit kayo’y magkamag-anak, magkaibigan o boyfriend-girlfriend, normal lang na magkaroon ng tampuhan. I think it is just healthy for any relationship, kasi it adds spices to it. Boring naman kung lagi na lang kayong magkasundo.

Siyempre you have to have your disagreements once in a while because you’re both unique individuals.

“Kami ni Kim we have our own share of tampuhan. Minsan napakababaw lang ng mga dahilan like some kind of miscommunications or lack of time for each other. Pero ang maganda sa amin hindi na namin pinatatagal ito. We always see to it na hindi na ito lalala pa. Basta isa sa amin will have to give in and talk to other. Nakabuti nga ang pagsasama namin sa States for a series of shows recently para magkaroon kami ng chance to be together and talked. Kung anumang tampuhan meron kami before, tapos na ‘yun, wala na ‘yun kaya wala nang dapat na issue between me and Kim,” say ni Gerald na bakas sa mukha niyang magkasundo na sila ng dalaga.

Nilinaw rin ni Gerald ang mga issue tungkol sa kanila ni Bea. Nand’yang madalas daw napagkikita ang binata sa condo nito. Pati ‘yung pagkawala niya sa tabi ni Kim sa Star Magic Ball para sundan si Bea na papauwi na naging malaking issue. Hindi ba’t nakunan pa sina Bea at Gerald ng larawan na lumabas sa front page ng Pinoy Parazzi na magkasama silang papalabas sa Star Magic Ball? “Basta anything about Bea, ayoko nang magsalita. Kasi ayokong may masaktan na ibang tao o madamay na ibang tao sa isyu dahil wala namang katotohanan ‘yun. Bea and I are friends lang, kasi magkasama kami sa Star Magic. Sana naman huwag na kaming intrigahin pa,” pakiusap ng aktor.

ADVERTISING

SA STAR MAGIC Sports Festival na ginanap sa Celebrity Sports Plaza, kapansin-pansin ang pagiging masayahin ni Kim at always on the go sa games. Maaliwalas ang kanyang mukha, maging si Gerald ay masaya rin sa paglalaro ng basketball. Mukhang naayos na nga ang gusot sa kanilang dalawa, palaging nagbubulungan tuwing magkausap. May kakaibang glow sa mga mata ni Kim kapag nababanggit ang pangalan ni Gerald.

Siyempre, balik-sigla uli ang Kimerald fans sa muling paglalapit ng kanilang idolo. Ibinalita ni Gerald na nakatakda silang gumawa ng pelikula ni Kim under Star Cinema na ididirek ni Jose Javier Reyes. Excited silang dalawa sa bago nilang project together kahit hindi pa nila alam kung ano ang tema ng istorya. Nakami-miss din daw na hindi niya nakikita si Kim sa set pero oras na mag-start na silang mag-shooting almost everyday na uli silang magkasama.

Ayon kay Gerald, ngayon nga raw parang walang nangyaring tampuhan sa kanila ni Kim. Back to normal routine, nagtatawagan, nagkukulitan paminsan-minsan sa cellphone kapag hindi sila magkasama. Mas nakilala raw nila ang kanilang sarili nu’ng time na nagkahiwalay sila. Ibayong panunuyo ang ginagawa ngayon ni Gerald para muling manumbalik ang matamis nilang pagtitinginan. Ganu’n?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING