Kim Chiu at Gerald Anderson tambalang walang pahinga!

ADVERTISING

Kim Chiu at Gerald Anderson tambalang walang pahinga!HINDI NA NGA siguro nakapagpapahinga itong sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa dami ng trabaho nila ngayon. Sila na siguro ang isa sa mga pinaka-in-demand na loveteams sa Philippine TV. Dahil pagkatapos na pagkatapos ng Tayong Dalawa, ngayon naman ay sasabak na naman sila sa teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo, kung saan makakasama nila sina Kris Aquino, Albert Martinez at marami pang de-kalibreng artista.

May nakapagsabi sa amin na sa January 18 na ang pilot episode nito at mukhang ang papalitan nitong timeslot ay ang babakantehing puwesto ng Dahil May Isang Ikaw. Isa ito sa tatlong bagong Primetime Bida na bubuksan ng ABS-CBN sa unang quarter ng taon.

ADVERTISING

Noong Linggo naman, tumuhog ng ilang mall shows sina Kim at Gerald para naman i-promote ang kanilang nalalapit na pelikula under Star Cinema ang Paano Na Kaya?. Balik-tambalan ulit sina Kim at Gerald sa pelikula at dito na talaga masusukat kung gaano na kalakas ang kanilang “power” sa publiko. Kumpara sa Tayong Dalawa na kanilang napapanood lamang sa “free TV,” ngayon ay masusukat na natin kung talagang malaki na ang hatak ng loveteam na ito sa mga taong magbabayad para mapanood sila sa big screen. Malaking challenge ito para sa kanila dahil ‘yung mga nauna nilang mga pelikula ay average lang ang performance sa box-office. Pero dahil na rin sa matinding tagumpay ng Tayong Dalawa, baka maiba na nga ang istorya ngayon.

Dinumog ng sangkatutak na fans ang Market! Market! sa Taguig nu’ng Linggo ng hapon kung saan dumating sina Kim at Gerald, kasama si Robi Domingo, ang introducing sa pelikula. Bagamat wala pang trailer, ipinakita nila ang teaser ng pelikula. Maganda at interesting ang istorya na iikot sa mag-bestfriend. Hindi pa makapagbigay ng ilang detalye sina Kim at Gerald dahil gusto nilang matapos muna ang official trailer ng movie para mas magka-idea ang mga tao kung ano ang tatakbuhin ng movie nila. “Istorya ito ng mag-bestfriend. Lumaki sila together, sabay silang maglaro, matulog, maligo, lahat. Kaya maraming makaka-relate dito na magkakaibigan.” Maiksing pahapyaw ni Kim.

Makakasama nina Kim at Gerald sa movie sina Zsa Zsa Padilla, Rio Locsin, Melissa Ricks, Robi Domingo at marami pang iba. Ito ang unang handog ng Star Cinema ngayong taon at ipalalabas na ito sa lahat ng sinehan on January 27.

ADVERTISING

MARAMI ANG NAGULAT sa big revelation ng latest PBB Double Up evictee na si Sam. Pinormahan pala siya ni Jake Cuenca noon, at nagulat na lang daw siya nu’ng bigla na lang huminto ang aktor sa panliligaw. Medyo magulo at intriguing ang statement na iyon ni Sam kasi parang ang dating nito sa amin ay umaasa siyang itutuloy ni Jake ang panliligaw niya at mukhang may pag-asa si Jake sa kanya. O, ‘di kaya naman, hindi naman talaga nanliligaw si Jake sa kanya at ito ay in-assume lang niya. ‘Di ba? What do you think?

ADVERTISING