Kim Chiu at Gerald Anderson, nananatili ang respeto sa isa’t isa

ADVERTISING

Kim Chiu at Gerald Anderson, nananatili ang respeto sa isa’t isa

Kim Chiu at Gerald Anderson, nananatili ang respeto sa isa’t isa

PANGHIHINAYANG NA lang talaga ang laging maiisip ng mga taong naging malapit kina Kim Chiu at Gerald Anderson, dahil pareho silang walang maitim na buto sa katawan para magtanim ng galit at hinanakit sa isa’t isa pagkatapos ng hiwalayang naganap sa kanilang dalawa. Pinanindigan nila na kahit sa wala nauwi ang kanilang relasyon ay mananatiling okey ang kanilang respetuhan, lalo pa’t halos naging magkasabay nga ang kanilang pagsikat magmula nang sumali at lumabas sila sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.

Huling nagkapareha sina Kim at Gerald sa pelikulang Till My Heartaches End ng Star Cinema, kung saan matatandaang sa mismong grand presscon ng nasabing pelikula ay sabay na umiyak ang dating magka-loveteam, kaya nabuking na nagkakalabuan na talaga sila. Malaki siyempre ang papel ng Star Magic kung bakit hindi nagsiraan ang dating magkasintahan pagkatapos ng kanilang relasyon. Klaro sa kanilang dalawa na gusto sila ng publiko bilang magkapareha, kaya hindi imposibleng magkasama ulit sila sa trabaho, katulad ngayon na magkasama sila sa isang pelikula ng Star Magic para sa pagdaraos ng kanilang 20th anniversary.

Napaka-gentleman ni Gerald na kapag hinihi-ngan siya ng reaksiyon tungkol sa mga lalaking nali-link ngayon kay Kim ‘tulad ni Xian Lim, umiiwas talaga siyang magsalita. Dahil ang wish na lang niya para sa dating ka-loveteam ay laging maging happy kung mayroon na siyang bagong boyfriend. Kapag si Kim din naman kasi ang tinatanong tungkol sa closeness ngayon nina Gerald at Sarah Geronimo, ayaw rin naman niyang magsalita para makaiwas na rin lang sa posibleng intrigahan na mangyari.

ADVERTISING

 

UMANI TULOY ng mga pagkontra ang ipinanga-landakan ni Sam Pinto, na siya lang ang naging Sexiest Pinay nang dalawang beses mula sa FHM. Pero mauunawaan din naman siyempre na sobra lang siyang masaya sa pa-puring kanyang natanggap. Marami nga lang ang humi-rit na hindi nga siya ang una, dahil dalawang beses ding tinanghal na Sexiest Pinay si Katrina Halili, na ngayon ay nananahimik at masaya sa kanyang pagbubuntis.

Magkaiba kasi ang pamamaraan nina Katrina at Sam ng kanilang pagbubun-yi nang igawad sa kanila ang papuri bilang kababaihang nagtataglay ng naiibang kaseksihan. Ang lupit naman kasi ng ibang tao na nilalait kaagad si Sam sa kanyang pagsasaya, na para raw ang yabang-yabang naman, samantalang ilang taon na siya sa showbiz, pero hindi pa rin pasado ang kanyang acting ability. Baguhan pa rin naman kasi si Sam, kaya sobrang masaya siya kaya napupuri.

Kim Chiu at Gerald Anderson, nananatili ang respeto sa isa’t isa

Kumpara kasi kay Sam, mas maraming taga-showbiz gaya ng mga manunulat ang nakakasalamuha at nakakasama ni Katrina, at consistent ang dating sexy actress na kapag nananalong Sexiest Pinay ng FHM ay walang sinasabi kundi sobrang pasasalamat at mga kaba niya na mahirap daw umasa dahil marami silang pinagpipilian sa kaseksihan. Sa panalo naman ni Sam, pagtatanggol ng mga nagmamalasakit sa kanya ay sobra lang daw masaya ang magandang aktres, pero hindi naman nagyayabang.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING