Kim Chiu at Gerald Anderson, kung saan-saan nakikitang nagtutukaan?!

Kim Chiu at Gerald Anderson, kung saan-saan nakikitang nagtutukaan?!Kim Chiu at Gerald Anderson, kung saan-saan nakikitang nagtutukaan?!USAP-USAPANG LIVE IN na raw ngayon sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, bagay na pinagtawanan lang ng aktor. Ayon sa aming source, hindi raw apektado si John Lloyd sa nasabing usapin dahil una at higit sa lahat, wala raw itong katotohanan.

Ang isa sa mga dahilan kung bakit lumabas ang balitang nagli-lve in sina Lloydie at Shaina, eh dahil sa nakaraang Star Awards, sinasabing pinagbawalan umano ng nakakababatang kapatid ni Vina Morales ang aktor para maiwasan si Ruffa Gutierrez na naroon din sa nasabing pagtitipon.

Tikom ang bibig nina Shaina at John Lloyd sa usaping nagli-live in sila. Pero kung paniniwalaan ang tsika, close daw ngayon ang aktor sa pamilya ng aktres.

TULOY ANG GAGAWING demanda ni Julia Clarete matapos na bastusin din ito ni Baron Geisler. Ayon sa aming source, hindi raw nagsasalita ang aktres dahil mas gusto nito na sa korte na lang pag-usapan ang lahat upang may patunguhan.

Hindi raw palalagpasin ng singer/actress ang ginawang pambabastos ni Baron. “Grabe kasi si Baron kapag nalalasing, nawawala talaga siya sa sariling katinuan,” say ng aming spy.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin pala ang kasong isinampa ni Patricia Martinez (anak nina Yayo Aguila at William) kay Baron, kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang patawarin ng dalaga ang aktor dahil matindi umano ang naging epekto nito sa pagkatao ng dalagang non-showbiz.

Marami ang nagsasabi na sana raw ay tigilan na ni Baron ang pag-inom ng alak dahil nagiging demonyo ito at wala sa katinuan kapag lasing na.

KUNG SAAN-SAAN NAKIKITANG naghahalikan sina Kim Chiu at Gerard Anderson na kamakailan ay sinabing nagtukaan ito sa isang fire exit ng isang hotel.

Kung paniniwaan ang balita, maski sa dressing room daw ay hindi nakapagpigil ang dalawa sa pagtutukaan, lalo pa at walang masyadong nakakikita.

Itinatanggi nina Kim at Gerard ang tunay nilang relasyon. Pero kahit anong deny ang kanilang gawin, obvious na sila ay matagal nang mag-on. “Hay, naku! Kahit anong deny ang gawin nila eh, sila talaga! Kaya huwag na tayong magulat kung isang araw ay buntis na ang Kim na iyan!” ‘Di mapigilang komento ng aming source.

MARIING ITINANGGI NI Chito Miranda na nagseselos siya kay Luis Manzano kapag nakakasama ito ni Angel Locsin. Ayon kay Chito, na lead vocalist ng Parokya ni Edgar, wala raw siyang karapatang magselos sa dating boyfriend ni Angel, dahil magkaibigan lang sila ng aktres.

Sa kabilang banda, tikom ang bibig ni Tita Becky Aguila sa isyung hinamon siya ng suntukan ni Angel. Ayon sa manager, hindi makabubuting magsalita pa siya.

“Kung sinabi ni Angel na hindi niya hinamon si Tita Becky ng suntukan, eh ‘di hindi. Tapos ang usapan. Pero saan manggagaling ang balitang iyon kung walang katotohanan?” Pahayag iyon ng aming source na siyang pinag-ugatan kung bakit kumalat ang balitang diumano’y paghahamon ni Angel ng away sa dating manager.

More Luck
by Morly Alinio