Kim Chiu and Gerald Anderson, getting serious

ADVERTISING

Kim Chiu and Gerald Anderson, getting serious

NAG-MATURED NA NGA si Gerald Anderson as an actor. Pinatunayan niya ito sa Tayong Dalawa, kasama sina Jake Cuenca at Kim Chiu. Nakipagtagisan siya ng talino sa pag-arte kina Gina Pareño, Cherry Pie Picache, Agot Isidro at Helen Gamboa. Sa bawat eksena ng binata punong-puno ng emosyon kaya naman pinabilib niya ang viewing public.

ADVERTISING

“Mas marami na akong alam sa craft ko. As a person, mas professional, may focus sa trabaho. Kasi, ‘yung mga kasamahan namin dito, pulos professional. You have to be focused,”pasimula ni Gerald sa Thanksiving party ng Tayong Dalawa.

Sa mga eksena nina Gerald at Kim, ramdam naming sila na nga. “Well, ‘yung mga last few weeks, alam mo, sa totoong buhay, talagang there are something very special between me and her, and tini-treasure ko ‘yung care niya para sa akin. I really enjoy being with Kim, sa taping, ‘pag nasa labas, sa trabaho, talagang enjoy na enjoy ako! ‘Yun nga,napaka-komportable ako kapag kasama ko si Kim.”

Nag-react ang mga fans nina Gerald at Kim dahil may pelikulang gagawin ang dalaga hindi si Gerald ang leadingman.  “Hindi na ako nagulat doon. Siyempre, our fans love us, from day one pa lang paglabas namin ng PBB, nandu’n sila para sa amin. They support us, so, magri-react sila. ‘Yun nga, they should not worry dahil magkasama pa kami ni Kim. I know marami pa kaming projects together,” depensang sagot ng Primetime Prince.

ADVERTISING

Balitang may gagawing pelikula si Sarah Geronimo at si Gerald ang leadingman. Tuluyan na kayang mabuwag ang loveteam ng dalawa? “Hindi pa naman confirm, wala namang nag-offer so, hindi pa official. Tsismis lang talaga and it’s very overwhelming. Masaya ako where I am now with whom I’m working with,” paglilinaw na sabi ni Gerald.

“Ako naman, open ako kung ano ‘yung gusto ng ABS. Kung gusto nilang ipareha ako sa iba, ipareha si Kim sa iba, wala na kaming magagawa. Tingin ko, after 3 years, handa na kami ni Kim dahil marami na kaming pinagdaanan. ‘Yung nga, I’m very comportable with Kim and I love doing more projects na kasama siya,” dugtong pa niya.

Kahit bihira nalang magkasama sa taping sina Gerald at Kim, tuloy pa rin ba ang communication ng dalawa? “Trust me, hindi talaga nawawala ‘yung communication namin. Kung napapansin n’yo lately, nasa hospital lang ako. Siya, marami siyang scenes so, talagang hindi kami nagkakasama. Minsan nga, may days na wala akong taping. Everyday, tinatawagan ko siya, morning, lunch and dinner at may break pa! Kasi, sanay ako sa taping, kaya alam ko ‘yung break time namin,”masayang kuwento ni Gerald.

Pakiwari namin, mas lumalalim ‘yung mutual understanding ng dalawa. “Of course, hindi mawawala ‘yun. Gusto ko ngang sabihin lagpas na kami sa MU (mutual understanding) kaya lang wala pa ‘yung commitment sa isa’t isa. ‘Yung bawal makipag-date sa iba, wala pa sa amin ‘yun.”

Kahit daw hindi sabihin ni Kim, hindi siya nakikipag-date sa ibang babae.

Kung si Kim may pelikula with Angelica, Pangilinan, Derek Ramsay and Gabby Concepcion. I’m sure may naka-line-up na project rin si Gerald with Star Cinema. “Ako naman, I’m just waiting. Hoping naman ako kahit anong project na gusto nilang ibigay sa akin. ‘Yung mga maganda naman ‘yung project na ibibigay nila.”

If ever na mag-end na ang soap at kay Jake napunta si Kim, sasama kaya ang loob ni Gerald? “Basta close siya sa istorya at hindi nasira ‘yung istorya dahil du’n. Kasi ako, gusto ko, anything goes for the show. Kung ‘yun ang ikagaganda ng show namin, okey!”

Parang may lungkot sa mukha ng actor sa kanyang naging pahayag kung sakaling hindi nga sila magkatuluyan ni Kim sa ending ng Tayong Dalawa.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING