Kim Chiu, aminadong na-tense sa kanyang past

ADVERTISING

Kim Chiu, aminadong na-tense sa kanyang past

Kim-ChiuAMONG ALL the stars of her generation, hindi maikakailang isa si Kim Chiu sa mga pinakamaningning ang bituin. Mula sa telebisyon, pelikula, talk shows, magazine covers hanggang sa social media, isa si Kim sa mga pinag-uusapan at sinusundan ng publiko sa bawat yugto ng kanyang buhay.

Sa presscon ng kanyang pelikulang Past Tense (kung saan kasama rin sina Xian Lim at Ai-Ai delas Alas), isa-isang sinagot ni Kim ang mga tanong ng press sa kanya. Kim admitted that she has learned to embrace every experience in her life, good or bad, happy or sad. “Nabubuhay na ako sa katagang everything happens for a reason. May dahilan si God kung bakit pinagdadaanan mo ito and He’s preparing you for something better in the future.”

Looking back on the not-so-good things that happened to her in the past, Kim says it was all worth it. “Nakaka-tense talaga ang past. Nakaka-tense man sa simula pero ngayon wala na. At malungkot man ako noon, pero na-realize ko na ngayon na masaya pala na mahal mo rin ang sarili mo.”

Siyempre hindi puwedeng palagpasin sa presscon ang isyu tungkol sa kanila ni Xian na matagal nang nali-link sa kanya. When asked where she sees their relationship going, she always re-directs the questions back to the present, to what they have now, which she says is a solid friendship. Hindi man diretsang inaamin nina Kim at Xian ang real score sa pagitan nilang dalawa ay tiyak na masaya pa rin ang kanilang mga fans dahil muli silang mapapanood na magkasama matapos ang blockbuster hit na Bride for Rent.

ADVERTISING

But if they’re not an official couple at this point, Kim and Xian are definitely a good working team kagaya ng ipinakita nila sa Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo at Bride for Rent. They know each other well, having formed a solid onscreen partnership that works for them.

Hindi alam ni Kim kung ano ang nag-aabang sa hinaharap para sa kanila ni Xian both in real life and as a loveteam. It’s enough to say that right now, aside from enjoying each other’s company, they are focusing on work kagaya sa pelikulang Past Tense. Whatever the future holds, Kim will simply “go with the flow.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING