Kim Chiu, alanganing tanggapin noong una ang bagong teleserye nila ni Gerald Anderson

ADVERTISING

Kim Chiu, alanganing tanggapin noong una ang bagong teleserye nila ni Gerald Anderson

Kim Chiu
Kim Chiu

Nagpakatotoo si Kim Chiu when she said na may hesitation siya noong una na tanggapin ang bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment TV na kasama si Gerald Anderson, ang “Ikaw Lang ang Iibigin”.

ADVERTISING

“Tao lang naman ako siyempre. Pero sabi nga ni Mr. M (Johnny Manahan), ‘Bakit hindi mo tanggapin ‘yung challenge? Isipin mo, mas challenge ito sa career mo since hindi ka na teenager, hindi ka na tweetums, hindi ka na pa-cute,’” pahayag ni Kim,

Her hesitation is something that is not baseless especially since “ang tagal na rin naming hindi nagkaka-work, mga six o seven years (na). Tapos ang dami na ring nangyari sa career lives namin and siyempre sa personal lives namin.”

Ang assurance ni Kim, “This is something new na mai-offer ko sa mga taong sumusuporta talaga sa akin.”

ADVERTISING

Nang matanong kung meron siyang na-miss kay  Gerald, say ni Kim ay “Hindi siguro miss, look forward siguro.

“Siyempre nag-mature na kami, naging wiser, nag-grow na rin kami. So, look forward siguro, hindi miss.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING