Kim Chiu, afraid of Jolo Revilla’s big crush on her!

ADVERTISING

Kim Chiu, afraid of Jolo Revilla’s big crush on her!

Kim Chiu, afraid of Jolo Revilla’s big crush on her! DATI, SUMOBRA SA kapayatan si Kim Chiu. Pero ngayon, marami ang nakapapansin na nagkakalaman na siya. Aminado naman ang dalaga na talagang sinisikap niyang mag-gain ng wait.

Kailangan daw kasi para sa role niya sa bagong proyektong kanyang pagbibidahan na Binondo Girl. Tungkol ito sa isang pamilyang Chinese na mahirap lang. Meron daw gagawin dito si Kim na hindi pa niya nagawa sa mga naunang teleseryeng tinampukan niya. Hindi lang daw niya puwedeng sabihin kung ano, para naman ma-curious daw ang lahat na abangan ito.

From 96 lbs., 108 lbs. na raw siya ngayon. Ang ini-aim niyang timbang ay 115 to 120 lbs. na kailangan nga para sa kanyang role sa Binondo Girl. At positibo naman siyang maa-achieve niya ito.

Mukhang exciting nga na abangan ang bagong pagbibidahang ito ni Kim kung saan tatlong naguguwapuhang young actors ang magiging leading man niya. Sina Jolo Revilla, Xian Lim, at Matteo Guidecelli.

ADVERTISING

According to Kim, mukhang magiging okey naman daw ang magiging working relationship nila ng tatlong young actors.  Si Xian daw, nakasama na niya sa My Only Hope. Friends na raw sila nito. Minsan daw ay lumalabas sila para mag-bowling kasama si Maja Salvador.

Sabi pa nga ni Kim — “Okey siyang kasama. Nakakatawa. Hindi halata sa hitsura niya na kengkoy siya.”

Si Matteo naman daw, okey rin. Kapag nagkakausap daw sila, they speak in Bisaya. Pareho kasi silang taga-Cebu. Kaya madali silang nagkapalagayang-loob.

Si Jolo ang medyo nagkakaroon na ng intriga sa ngayon kay Kim. Balita kasing crush siya nito. At may plano pa raw diumanong manligaw sa kanya ang anak nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado.

Tinatawanan lang naman ni Kim ang usap-usapang big crush nga umano siya ni Jolo. At tila hindi niya ma-imagine na popormahan siya nito.

Nasabi pa nga ng young actress — “May big crush siya sa akin? Parang nakakatakot!”

Gano’n pa man, she finds Jolo a nice guy naman daw. Forever gentleman, paglalarawan pa nga ni Kim sa young actor.

Pero sa tanong kung okey lang ba sa kanya na ligawan ng isang binatang ama (na gaya nga ni Jolo), mabilis ang kanyang naging sagot na — “Siyempre hindi.”

‘Yon na!

Ibig sabihin, malabong magustuhan niya si Jolo kung liligawan siya nito. Dahil hindi pala nga type ni Kim ang mga binatang ama.

Kung sa bagay, parang hindi nga bagay kay Kim na maging isang madrasta. Ang daming guys na may crush at gustong manligaw sa kanya kaya marami siyang mapagpipilian kung magiging boyfriend din lang naman ang pag-uusapan.

Ganyan?

MUKHANG NA-INLOVE NA nga nang husto si Heart Evangelista kay Daniel Matsunaga. Kung sa bagay, in love na in love din naman sa kanya ang Brazilian-Japanese model-turned-actor. At dahil lalong lumalalim pa ang pagmamahalan nila, marami tuloy ang humuhulang sila na nga ang magkakatuluyan.

Deadma lang nga raw itong si Heart kung medyo nag-aalala ang parents niya lalo na ang kanyang ama tungkol sa magiging situwasyon saka-ling sooner ay maisipan na ng aktres na pakasal na sila ni Daniel. Kung ang Daddy kasi niya ang tatanungin, gusto nito na masigurong ayos ang financial status at may negosyong matatag muna ang anak para may siguradong pagkukunan ng panustos sa nakasanayang komportable at maluhong pamumuhay.

Pero para kay Heart, wala raw kaso kung hindi man niya ma-maintain ang kanyang mga kapritso sakaling naging mag-asawa na sila ni Daniel. Kuwento nga ng isang close sa kanilang dalawa, sinasabi raw ng aktres na okey lang kung isang simple at ordinaryong buhay lang ang naghihintay sa kanya sa piling ng lalaking mahal niya.

Kahit sand pa raw ang kainin nila, magiging happy pa rin umano ito sa pi-ling ni Daniel.

Pero hindi naman literal na ibig sabihin ni Heart — willing siyang kumain maski buhangin basta magkasama lang sila ni Daniel. Kumbaga, basta para sa taong mahal niya, handa siya sa anumang hardships na posibleng pagdaa-nan nila.

Sure na sure na siyang kaya niya, huh!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING