Kim Chiu, a liar?

KAILAN KAYA MAGPAPAKATOTOO sa buhay si Kim Chiu? Nanghihinayang kami sa dalagang ito. Bukod sa maganda na siya, magaling pa siyang umarte at nakuha niya ang puso ng publiko.

Pero may hangganan ang pang-unawa at pasensiya ng ating mga kababayan. Baka isang araw, maramdaman na lang ni Kim na malamig na pala sa kanya ang publiko, may iba nang hinahangaang kabataang aktres dahil sa madalas niyang pagde-denay ng mga nagaganap sa kanyang buhay.

Okey pa namang magpa-cute si Kim, nasa edad pa siya kung saan kinikilig ang isang nililigawan o isang nagmamahal. Hindi pa siya nakakahilas tingnan habang kinikilig.

Ang tanong lang ng bayan, bakit kailangang ipagkaila pa niya ang pakikipagrelasyon kay Gerald Anderson, samantalang open-secret naman ‘yun sa mga taga-showbiz?

Nagyayakapan sila at naglalambingan, apektado si Kim kapag nakararating sa kanya na may pinagpapapogian ang binatang aktor. Pero bakit kapag humaharap siya sa mga camera para sa interbyu, todo ang kanyang pagdenay?

Meron pa siyang kaartehan na ayaw niyang magbigay ng message para kay Gerald. Bakit daw, samantalang hindi pa naman sila magkarelasyon?

Aysus! Kung sana’y may bibig ang mga dingding at sahig ang mga lugar na pinupuntahan nila. Kung sana’y may sariling kolum din ang mga dingding, isang malakas na sampal ang isasagapak nu’n kay Kim na napakahilig mag-denay.

Dahil maganda siya at bata pa, masarap panoorin ang pagpapa-cute ni Kim. Pero sa mga piling situwasyon lang. Hindi kapag ang lantad na nilang relasyon ni Gerald Anderson ang pinag-uusapan.

Kunsabagay, hindi lang naman ang publiko ang niloloko ni Kim sa kanyang pagdedenay. Niloloko niya, unang-una ang kanyang sarili.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

Previous articleMar Roxas introduces Korina to Roxas clan in Bacolod
Next articleKatrina Halili, mobbed by fans

No posts to display