Kim at Xian Lim, hiwalay na

ADVERTISING

Kim at Xian Lim, hiwalay na

Kim Chiu and Xian Lim
Kim Chiu and Xian Lim
Xian Lim and Coleen Garcia
Xian Lim and Coleen Garcia

Sina Xian Lim at Kim Chiu ay hiwalay na.

Yes! Sa mga susunod na projects nina Xian at Kim, kumpirmado na hindi na sila muna ang magtatambal

Si Xian, ipapareha kay Coleen Garcia sa Star Cinema movie to be directed by Jason Paul Laxamana. Si Kim naman ay ready na sa next project niya. Okey lang na hindi na si Xian ang kanyang makapapareha.

Sa nakaraang Push Awards 2016 na isinagawa sa Dolphy Theater, nainterbyu ang dalaga last Wednesday at sinabi nito na ready na siya sa magiging kaganapan sa kanilang career ni Xian.

ADVERTISING

Siya naman, ready nang makapareha ang ex-boyfie and ka-loveteam na si Gerald Anderson if ever.

Say nga ng dalaga tungkol sa plano sa kanya ng Star Magic, “Kung ano ang ibibigay sa ating trabaho, ‘yun na lang. Siyempre, thankful pa rin ako sa solid na suporta nila (fans) sa akin,” pahayag niya.

Hindi isyu sa kanya ang muling pagtatambal nila ni Gerald, if ever na matuloy ang project nilang dalawa. “Wala naman kaming mga personal (na isssues), kasi trabaho is trabaho. Kung ano ang ibibigay ng management sa amin. ‘Yun ‘yun. Professionalism,” pahayag n’ya.

‘Yun nga lang, malamang sa hindi ay mag-aalburoto ang fans na may ibang gustong ipareha kay Kim.

Sa solid Kimerald fans, siyempre gusto nila na makita muli ang idols nila sa iisang project (na aminin man nila o hindi ay nag-e-expect pa rin sila na magkabalikan ang dalawa in real life).

Pero sa diehard KimXi fans, I’m sure ayaw nilang magsama ang dalawa (Kim at Gerald) sa isang project, dahil ang gusto nila, sina Kim at Xian lang talaga.

Well, let us wait ang see kung ano ang kahinatnan ng “real tambalan” nina Kim at Xian, kung maaapektuhan ito sa pagbabalik-tambalan nina Kim at Gerald na coming very soon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING