Kim Chiu at Gerald Anderson, walang utang na loob? By Tita Swarding

Kim Chiu at Gerald Anderson, walang utang na loob? By Tita Swarding

Kim Chiu at Gerald Anderson, walang utang na loob? By Tita SwardingOLACHIKKA! MARAMI ANG nag-email sa akin ngunit isa lang na bukod-tangi sa lahat, ang fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Hmmmm. Ewan ko ba kung ito ba ay mga totoong fans ng dalawa o mga detractors lamang nila. Napag-isip-isip ko,kung ang ilang mga fans nga ay handang makipagpatayan para lamang sa kanilang idol at ipinagtatangol talaga nila ito kahit ano’ng mangyari, kakaiba naman ang mga fans na ito. Sila ang humihila sa kanilang idolo pababa. Yes,  hindi lang isa, dalawa ang mga e-mail na natatanggap ko sa mga fans nina Kim at  Gerald, marami talaga. Sinasabi pa na ang bastos ng dalawa at walang mga utang na loob. Kalerke, ha! Parang gusto nilang makita na naghihirap ang kanilang idolo at hindi na sikat,huh! Kesyo hindi na raw sila ang magka-love team  at galit rin sila sa ABS-CBN. Ano raw? Dapat nga, kung tunay kayong mga fans, kahit ano’ng mangyari ay susuportahan niyo ang bawat isa sa kanila at magpasalamat  kayo sa pamunuan ng ABS-CBN dahil ‘ yan ang nagbigay sa kanila kung ano ang inaani nila ngayon. Hindi ko’ yan nakita nu’ng kabataan pa ni Nora Aunor, na ang mga fans niya ang nanghihila sa kanya pababa. Never nangyari ‘yan kay Guy. Full support ang kanyang mga tagahanga mula noon hanggang ngayon. Never ginawa ng mga fans ng superstar ang mga ganyan at tatawagin pang walang utang na loob. Heller! Ok lang kayo?

HINDI ALAM NI Kris Aquino kung ano ang mangyayari ngayon na wala na ang kanyang pinakakamahal na ina. Ipinakita ni kris na matatag siya at ang kanyang mga kapatid, ngunit sa likod nito ay tila nahirapan itong tumayo at nangangapa pa sa dilim ng mga pagsubok. Pero nandiyan ang mga kaibigan kamag-anak at  pamilya na handang umakay sa kanya at sa kanyang mga kapatid. Tila bumuhos ang luha ng TV host- actress na hindi lang pala mga kapatid at pamilya at kaibigan ang nandiyan kundi ang buong Pilipino.

Saludo ako sa tibay ni Kris dahil ngayong Lunes ay babalik na ang actress-TV host sa trabaho kahit kakalibing lang ng ina nitong si dating pangulong Cory. Balik si Kris sa trabaho upang kahit papano ay maibsan ang lungkot na nadarama nito at maipakita sa lahat na matatag siya at makalimutan ang mga problema at lungkot. Aabangan ko ang pagbabalik ng TV  host dahil alam ko may mga bitbit itong mga rebelasyon. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding