Kim at Gerald, praktisado ang gimik?!

ADVERTISING

Kim at Gerald, praktisado ang gimik?!OLA CHIKA! I’M sure, marami ang magre-react dito, lalo na ang mga fans nina Kim Chiu at Geralad Anderson, huh!

Marami kasi ang umaalma sa bagong bansag kay Kim bilang isa sa ‘Primetime Princesses’ ng ABS-CBN. Hindi nila umano nagugustuhan ang bansag na ito para kay Kim. Wala pa nga raw napatunayan ang dalaga, lalo  sa pag-arte. Kulang na kulang nga raw na kailangan pang pukpukin para makaarte nang maayos.

ADVERTISING

Oo nga, napapansin ko rin. Kulang pa, kahit ako, nahihilawan pa. Pati nga ang acting ni Gerald, kulang pa rin, at ‘yung boses niya, walang ipinag-iba. Iisa lang ang acting ‘pag galit at ‘pag normal lang na nagsasalita. Kaloka nga naman! Akala ko, ako lang ang nakapapansin, marami rin pala. Hahaha!

Ang isa pang naloka ako, nu’ng huling-huling scripted ang mga gimik ng dalawa. Chika nga ng aking Parazzi girl, nu’ng may events ang Wowowee na Olympics sa Araneta na may ibinigay na bulaklak si Gerald kay Kim, maraming beses pala nilang ni-rehearse ‘yun!

Pati ba naman ang ganyan, kailangan pang i-rehearse. At kung gigimik din lang, ‘yung hindi halata, at walang nakaaalam, huh! Tuloy, nalaman ng aking Parazzi girl.

ADVERTISING

Ang Kim naman, todo-pa-cute, kuwanri, hindi alam. Naku, ha?! Nawindang ako sa inyo. Hmm…

ILANG ARAW RING hindi napanood sa telebisyon ang host ng Wowowee na si Willie Revillamne, dahil nagkasakit ito at nagpagalit sa St. Luke’s Hospital. Bongga, huh! Sabagay, kayang-kaya na niya, unlike before.

Hindi ko po sinisiraan si Willie, ha? Kundi sinasabi ko lang ang totoo, at ‘yung nakikita at napansin ko at ng ibang tao, hindi lang taga-showbiz, pati sa outside ng industry na rin.

Kung noong hindi pa mayaman ang TV host, hindi mo ito halos makikita o maririnig na nagkasakit at naospital. Hindi nga rin kasi ito ganu’n kayabang magsalita sa ere noon. Ngayon, marami na ang nayayabangan sa kanya nang yumaman na siya.

Naku, ha? Baka kung ano nama naman ang sabihin sa akin, na galit ako sa kanya. Never po, wala po akong galit sa kanya, kundi sinasabi ko lang ang napapansin ko.

Ngayon ngang yumaman na siya, tila hawak na niya ang buong staff ng ABS. Marami ang naloka at nawindang sa kanya. Aray ko po! Kapansin-pansin kung pagalitan niya ang kanyang staff at dancers, kailangang naka-mic pa siya at maririnig ng buong mundo.

Hmm… kung kelan yumaman si Willie, saka pa ito nagkaroon ng sakit na ewan, hindi ko maintindihan. Kailan nga lang, naospital din ito dahil sa sakit sa puso. Buti na nga lang at naagapan. At ngayon nga, sakit naman sa baga.

Naloka ako, ha? Nagkaroon pala ng tubig ang lungs ng TV host, kaya kapansin-pansin na halos madalit itong hingalin. Naku, ha? Kung kelan yumaman, saka pa nagkasakit ng mga ganu’n. Kelerke! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING