Kim at Gerald, muling magtatambal

ADVERTISING

Kim at Gerald, muling magtatambalMAGANDA ANG PASOK ng taon kay Gerald Anderson. Umpisa pa lang ng 2011 pero ang dami nang naka-line-up na magagandang projects para sa kanya tulad ng remake ng Rod Santiago’s classic na Buhawi Jack, a movie with Popstar Princess Sarah Geronimo and a guesting stint on Your Song Presents Kim.

Si Gerald ang tinagurian ngayong Action Drama Prince. Patuloy niya kasing pinatutunayan that he is a versatile actor na puwede mapa-action man o drama. Nagkuwento siya sa The Buzz when he guested on the KCX segment tungkol sa kanyang role sa Buhawi Jack na nagsimula nang ipalabas sa ABS-CBN. “Wala siyang powers pero maabilidad siya. Magaling siya sa arnis which is a Philippine sport.”

ADVERTISING

Dapat abangan ng viewers ang action stunts ni Gerald na matagal niyang pinaghandaan. He trained very hard in arnis kaya naman may mga paltos siya sa kamay. “Before ako nag-start ng taping, tapos iyong movie namin ni Sarah, everyday ako nagti-train for almost five months na,” kuwento ni Gerald.

Kumusta naman sila ng bago niyang kapareha na si Jewel Mische? “’Yung dedication niya talaga is really high. Sobra siyang excited. Siyempre ganado akong magtrabaho dahil alam kong iyong mga kasama ko ganoon din.”

Excited din si Gerald sa new movie nila ni Sarah (Geronimo). Ang role niya raw sa pelikula ay iba sa mga ginagawa niya sa telebisyon. What does he expect working with Sarah? “Sobra akong excited. Hindi ko alam what to expect. Siyempre si Sarah naman iyon. It’s my first time to work with her at sa movie pa. May kaba. It’s a big break actually for me.”

ADVERTISING

He has two new leading ladies pero hindi naman dapat malungkot ang mga Kimeralds dahil magkakaroon naman sila ng reunion ni Kim on the small screen. He guested on Your Song Presents Kim na malapit nang ipalabas. This allayed the fans’ fear na hindi na sila magtatambal sa telebisyon o pelikula. “Like I said, imposible talagang mangyari iyon. It’s just a break siguro. Ito iyong opportunity namin to expand and grow so imposible na hindi kami magkakasama ulit.”

Tinanong ni KC Concepcion si Gerald how he would describe himself right now. “Happy, inspired by work and excited,” ang sagot niya.

Kim at Gerald, muling magtatambal

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING