Kilig to the Max ang AshLloyd: Ang singsing ni John Lloyd Cruz para kay Sarah Geronimo

ADVERTISING

Kilig to the Max ang AshLloyd: Ang singsing ni John Lloyd Cruz para kay Sarah Geronimo

Kilig to the Max ang AshLloyd: Ang singsing ni John Lloyd Cruz para kay Sarah Geronimo
Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz

CUTE ANG GUESTING nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz last night sa Gandang Gabi Vice.

 
Pinakilig ng dalawa ang  milyon-milyong mga fans at supporters nila na nagaabang ng bagong pelikula nila na “Finlly Found Someone” na ipapalabas na sa darating na Wednesday, July 26.
 
Yes, may rebelasyon last night ang dalaga sa GGV dahil sinabi nito na binigyan ng binata ang dalaga ng singing.
 
Sabi ni Lloydie last night sa Sunday show ng unkabogable box-office superstar na: “Meron kasi akong binigay sa kanya dati pero binalik niya. Eh nasa akin pa rin. Eh pwede ko na bang i-dispose?” paku-kuwento ng bintana.
 
Engagement ring na ba yun? Sabat ng dalaga: “S’yempre hindi siya mukhang engagement ring. ‘Yung parang malaki siya. Gulat nga ako, eh. Sabi ko, ‘ang mahal nito. Sayang ‘yun..” sabi ng singer.
 
Pero isinoli ito ng dalaga kay Lloydie. Kuwento ni Sarah: “Bilang advice sa’kin ng mga kinauukulan. ‘Yun ang advice sa’kin eh. Isauli mo ‘yan, baka may maka-misinterpret so sinauli ko.
 
Nasa aktor pa rin ang naturang singing na binigay niya kay Sarah na ibinalik ng Pop Princess na kung sakaling ibigay ulit ni Lloydie ito sa kanya ay ok lang sa singer. “Ibigay mo na lang sa akin. Hindi (ipapatunaw). Syempre ite-treasure ko ‘yun. Bigay mo ‘yun, eh.”
 
Yun na! Paano kaya kung walang Matteo Guidicelli ang dalaga? Magkakaroon kaya ng “something” ang dalawa?

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING