Kilig to the Bones! Joshua Garcia, pinadalhan ng sweet message si Julia Barretto!

ADVERTISING
Kilig to the Bones! Joshua Garcia, pinadalhan ng sweet message si Julia Barretto!
Joshua Garcia and Julia Barretto

KINILIG ang maraming netizens including some celebrities sa sweet message na ipinadala ng promising actor na si Joshua Garcia sa rumored girlfriend nito na si Julia Barretto.

Nasa ospital ngayon ang magandang aktres kaya naman nagpadala ng simple pero kilig-to-the-bones note ang binata:

I request you to spare the bacteria and stop attracting them to your beautiful body.

(Your place is not in the hospital. Your company isn’t meant for nurses, it is for my soul. You don’t deserve strong doses of medicine, you deserve my LOVE.)

Get well soon, baba.

ADVERTISING

Nagpahabol pa ito ng disclaimer na kinopya lamang niya sa isang website sa Google ang kanyang mensahe, pero ‘yun daw talaga ang kanyang nararamdaman.

You sure do know how to make a sick girl's bad day a good one.

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Halata sa star-studded pantakip ng letter na ang signatory ay may initial na ‘J’. Sino pa ba ‘yan?!

Maraming “get well soon” messages na ipinarating kay Julia, pero dinagsa rin ito ng kilig comments. Kahit ang kapwa Kapamilya stars na sina Liza Soberano, Maxene Magalona at Janella Salvador ay nag-express ng kanilang kilig sa namumuong love story sa pagitan ng dalawang artista.

Anyway, nalalapit na rin ang paglabas ng bagong JoshLia movie! Biglang napansin ng mga critics and moviegoers ang tambalan nina Joshua at Julia dahil sa MMFF 2016 movie na “Vince and Kath and James”, na pinilahan ng mga millennials. Ang upcoming movie naman ay under the direction of ‘hugot director’ Antoinette Jadaone with the title ‘Love You from the Stars and Back’. Kikita kaya ang pelikula? Sana’y hindi nito sapitin ang diumano’y unsatisfactory box-office returns ng second movie nina Gerald at Arci.

ADVERTISING