Kiko Matos, trinaydor si Baron Geisler?

ADVERTISING

Kiko Matos, trinaydor si Baron Geisler?

Kiko Matos & Baron Geisler
Kiko Matos & Baron Geisler

Through his social media account ay nagpaliwanag si Kiko Matos kung bakit niya natadyakan si Baron Geisler recently.

“Oo na… Ako nanaman ang may mali. Ako na si mr. Cheapshot, si gay ass move, traydor, bading, hindi marunong lumaban ng patas, ano pa??? Itawag nyo na sakin ang lahat ng gusto nyo. May karapatan naman kayo sa mga opinyon nyo, at tanggap ko yun. Pero bago kayo manghusga, alamin nyo muna yung buong pangyayari kung bakit ko nagawa yung mga ginawa ko.”

“Alamin nyo sana din kung paano pinaplano ng kalaban ko na mapasama ako. Sino ba nag upload ng video? diba kamag anak din ni Baron? Hindi nyo ba naisip na gumagawa lang siya ng patibong? Humihingi nalang ako ng pasensya sa lahat ng tao na apektado ng mga actions ko. Ako na nga yung nag extend ng kamay ko para magbati na kami, pero ano ang ginawa nya?

“Meron lang akong gustong malaman… Kung nakaharap nyo si Baron Geisler at kinukupal kayo, makakahugot ba kayo ng lakas ng loob para gawin ang lahat ng ginawa ko sa kanya?

ADVERTISING

“Kung oo ang sagot mo, bakit wala pa akong nabalitaan na may sumapak na kay Baron Geisler? Wag kasi puro type at salita sa computer… dapat may gawa.

“Haharpin ko na nga siya sa June 25, ano pa ba ang gusto nyo?

“Tag nyo idol nyo.”

‘Yan ang mahabang aria ni Kiko Matos sa kanyang social media account.

Maraming natraydoran sa kanya matapos niyang tadyakan si Baron na nakunan ng video.

Before that, hinalikan ni Baron sa labi si Kiko matapos ang kanilang contract signing.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING