Kiko Estrada, walang pagsisisi sa pagbale-wala kay Barbie Forteza

ADVERTISING

Kiko Estrada, walang pagsisisi sa pagbale-wala kay Barbie Forteza

Zero ang lovelife ng baguhang si Kiko Estrada. Sa mga hindi nakaaalam, ang binata ay anak ni Gary Estrada (isa sa mga chickboy ng kanyang panahon) at ng magandang si Cheska Diaz (dating bagets star na kapatid naman ni Joko at anak ng namayapang si Paquito Diaz).

Kiko Estrada, walang pagsisisi sa pagbale-wala kay Barbie Forteza
Kiko Estrada

Sa media conference ng pelikulang “Pwera Usog” ng Regal Films, pinutakti ng tanong ang binata tungkol sa hiwalayan nila ni Barbie Forteza dahil hindi naging maganda ang hiwalayan nila ng dalaga.

Ang tsika kasi, hindi okey ang naging ending ng relasyon ng dalawa. May depensa  agad ang binata. “Well, it’s the right love at the wrong time,” paliwanag niya sa press.

Dagdag ni Kiko, “Wrong time because I have work. I had ‘Sinunga­ling Mong Puso’ and then, I had to go to the gym. It’s my first lead role, so I have to focus and I won an award for that lead role. So, I don’t regret my decisions.

ADVERTISING

Between love (with Barbie) at sa magandang itinatakbo ng career niya ngayon, mas pipiliin niya ang pinaghihirapang career. “I guess Barbie and I would chose career over love.”            

Sa nasabing horror film, kapareha niya ang Star Magic talent na si Devon Seron, kasama sina Albie Casiño at Charise Castro (bagong Regal Baby), at Joseph Marco at Sofia Andres.

Ang pelikula, first horror movie ng magaling na si Jason Paul Laxamana na mas nakilala sa mga seryosong pelikula at romcom.

Ang taong 2017 ay masasabing maganda para sa binata dahil kasama rin siya sa pantaseryang Mulawin versus Ravenan.

Pero may mensahe si Kiko na gustong iparating sa ex-girlfriend, “I loved her (Barbie) so much.”

“Nagkulang ako sa panahon, I guess. I’m sorry for all my shortcomings. But it’s not my fault. I did not do anything wrong. I didn’t disrespect her. I loved her so much. I didn’t cheat on her!” pagkaklaro ng binata sa isyu.

Dagdag pang paliwanag ni Kiko, “Hindi naman ako nang-iwan. So I don’t get why people are blaming me. I did not do anything wrong. I didn’t break up with her. I love her until now.”

Ang binata, may hugot sa nangyari sa kanilang relasyon ni Barbie . “My love for her is more than a break up.”

For now, single si Kiko. Set aside muna ang kanyang lovelife for the sake of his career.

ADVERTISING