Kiko Estrada, may masamang karanasan sa Dos?

ADVERTISING

Kiko Estrada, may masamang karanasan sa Dos?

Kiko-EstradaMAY TELESERYE na sa GMA7 ang anak ni Gary at dapat sana ay kaloveteam ni Julia Barreto sa isang teleserye ng ABS-CBN na si Kiko Estrada. Kasama siya sa cast ng Strawberry Lane na magsisimula na sa Sept. 17. Masaya siya sa naging desisyon na lumipat sa Siyete dahil alam daw niyang maaalagaan siya ng network.

Medyo nakaiintriga lang ang naging pahayag ni Kiko na “I feel safer here” na reaksyon niya sa tanong kung kumusta namang makatrabaho ang mga taga-GMA.

May masama ba siyang karanasan sa ABS-CBN?

Anyway, kumportable naman si Kiko na makasama sa serye sina Bea Binene at Jake Vargas. Gusto rin niyang maging ka-close ang iba pang female cast ng show like Rita de Guzman and Joyce Ching. Kaagad naman niyang idinenay na may relasyon sila ni Kim Rodriguez who is also in the series.

ADVERTISING

“Friends lang po kami… close friends, ganu’n,” paliwanag pa niya.

Reunion of sorts din pala nina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz ang Strawberry Lane na nagkasama noon sa GMA series na Bakekang. Ang iba pang kasama sa cast ay sina TJ Trinidad at Christian Bautista.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING