Kiko Estrada kinumpirmang hiwalay na kay Devon Seron

Leo Bukas

KINUMPIRMA ni Kiko Estrada sa naging guesting niya sa morning show na Magandang Buhay sa A2Z na single siya ngayon at walang girlfriend.

“I guess I can answer that. Yeah, I’ll take this one from my mama. I think it’s a proper way for a man to say my status in life. Well yeah, I’m single,” pahayag ng binata nang tanungin siya sa status ng kanyang personal life ngayon.

Kiko Estrada kinumpirmang hiwalay na kay Devon Seron
Kiko Estrada

Ibig lang sabihin, hiwalay na talaga sila ng long time girlfriend niyang si Devon Seron.

Ayon pa kay Kiko, gusto niya munang mag-focus ngayon sa work at sa kanyang career.

Aniya, “So I focus on work. Kasi ang pangit if my mom’s going to say this for me. So I will take this mom. My mom told me that for people to respect me you have to do the right thing.”

Ano ba ang ideal girl para kay Kiko tanong naman sa ina nitong si Cheska Diaz?

“I think Kiko can describe but I think the most important for me is that person should have God in her life. Yung kanyang relationship with God is very important with me because if you have that relationship, you are set for life, you are set for eternity.

“That’s the only thing I would want sana but like I told you awhile ago whoever loves kasi you have to love also,” tugon ni Cheska.

Taong 2019 nang aminin ni Kiko na girlfriend na niya si Devon. Pero nitong March lang of 2021 ay nag-post ng cryptic message si Devon sa kanyang Instagram account na nasundan ng balitang hiwalay na nga silang dalawa.

Samantala, lumabas din ang balitang si Heaven Peralejo na co-star ni Kiko sa Bagong Umaga ang third party sa hiwalayan pero mariin naman itinanggi ito ng aktres.

“Associating me with actors I have scenes with can be easy. At the end of the day, we’re nothing more than just co-actors working with each other. I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada,” deklara ni Heaven.