Kiko Estrada iginiit na hindi mang-aagaw ang girlfriend na si Heaven Peralejo

Leo Bukas

IGINIIT ni Kiko Estrada na hindi siya isang two-timer at hindi niya pinagsabay si Devon Seron at ang bagong girlfriend niyang si Heaven Peralejo. Ayon kay Kiko, mahigit dalawang taon ang naging relasyon nila ni Devon na nauwi naman sa hiwalayan noong  Feb. 14, 2021.

Kiko Estrada iginiit na hindi mang-aagaw ang girlfriend na si Heaven Peralejo
Kiko Estrada and Heaven Peralejo

Isang buwan pagkatapos ang paghihiwalay nila ni Devon makilala ni Kiko si Heaven na co-star niya sa Bagong Umaga. Ayon kay Kiko, wala pa silang relasyon noon ni Heaven at nasa getting to know stage pa lang.

“We were formed through the adversity, through the hardships, through the issue. We became closer, so I would never expect na magiging kami, in any way, form or whatsoever. Nakakalungkot lang na it had to be this way,” lahad ni Kiko na halatang dismayado sa ginagawang pamba-bash ng netizens kay Heaven.

Sa interbyu ni Ogie Diaz kay Kiko ay inamin ng binata na matinding naaapektuhan si Heaven ng mga nangyayari.

Aniya, “Yon na nga po Tito, kaya ako nandito just to clarify everything. I think it is long overdue kasi I’m the type of man na marespeto ako sa past, sa future, sa present.

“I don’t really talk about my private life but this is going overboard na kasi. I just want them to know the truth and to know the specific timeline from me,”

Gusto ring linawin ni Kiko na hindi  cheater, third party at mang-aagaw si Heaven.

“That’s why I stopped (using) social media kasi alam ko naman na people will judge you no matter if they know everything or they truly know who you are. I gave up on the whole point na parang I want them to understand. I want them to really know the truth.

“I know that they will believe whatever they want to believe but seeing the person you love hurt by lies or by fabricated truths, it takes like a man to stand up, to tell the truth, to tell what really happened.

“I’m a private guy and you know this. Nakakalungkot lang na I had to reach to this point to show or to tell everyone the truth,” paliwanag niya.

Aminado si Kiko na hindi naging maganda ang naging break-up nila ni Devon at naiintindihan niya raw na nasaktan ang mga ito kaya hindi maganda ang mga salitang nabitawan nito laban sa kanya. Nakikiusap si Kiko na  sana ay tumigil na ang mga ito at mag-move on na.

Kiko Estrada iginiit na hindi mang-aagaw ang girlfriend na si Heaven Peralejo
Heaven Peralejo | Kiko Estrada and Devon Seron

“I just hope she’s well. I hope she gets the best in life. I wish her the best and she deserves the best and I am not the best for her. I’m sure that there’s someone who’s gonna love her the way she wants to be loved. And I have no ill-will towards her and her family because I respect them,” mensahe niya sa dating girlfriend.

At para naman kay Heave,   sabi ni Kiko, “Keep strong and we’re gonna get through this. You’re gonna get through this. You’re a strong girl. You’re beautiful. You’re kind. You’re generous. So all these adversities that we’re going through, we’ll fight through it.

“And I believe na the strongest people go through The hardest adversities to make them strong.”