Kiko Estrada, gaya ng amang si Gary Estrada pagdating sa pag-ibig?

Kiko Estrada, gaya ng amang si Gary Estrada pagdating sa pag-ibig?

Gary-Estrada-Kiko-EstradaANG GUWAPO ng young actor na si Kiko Estrada nang makita namin sa GMA 7. Kahit na sabihing mas guwapo ang kanyang ama na si Gary Estrada, hindi naman pahuhuli ang anak. May sariling kaguwapuhan ang young actor dahil nga Pinoy na Pinoy ang dating nito. Si Gary kasi ay mestusihin.

At masuwerte na rin si Kiko sa GMA 7 dahil alaga siya sa project. Kasama siya sa My Mother’s Secret, katambal niya si Kim Rodriguez at rumored girlfriend cum ka-loveteam.

Wish lang namin ay mas atupagin niya ang kanyang career kaysa sa pag-ibig.

Sayang kasi… like father like son, pagdating sa pag-ibig?

And kumusta na ang kanyang Mommy Cheska Diaz?

 

SA JUNE 7, Sunday,  1 to 7 pm na po ang 2nd PMPC Celebrity Badminton Tournament na gaganapin sa Power Play Badminton Court sa Apo Streeet, Quezon City. Maraming mga artista ang kasali at sumusuporta dahil nga ito ay fund raising project ng Philipine Movie Press Club.

Sa mga kasama ng artista o gustong mag-join, tumawag lang sa  09062681629/ 0915707306.

Kitakits…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!