Kiko Estrada at Heaven Peralejo, hiwalay na agad?

NAINTRIGA ang mga followers ng Kapamilya stars na sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo dahil sa latest social media activity ng aktor.

Naging kontrobersyal ang pagkaka-link kina Kiko at Heaven noong Marso habang ginagawa nila ang teleseryeng Bagong Umaga, kung saan sila ang magkatambal. Noon ay very much known sa public na girlfriend ni Kiko ang ex-PBB star na si Devon Seron at matagal-tagal na rin silang magdyowa that time.

Kiko Estrada at Heaven Peralejo, hiwalay na agad?
Kiko Estrada and Heaven Peralejo

May mga nagsasabi na si Heaven diumano ang third party, na agad naman na itinanggi ng dalaga.

Last month lang ay kinumpirma nina Kiko at Heaven na sila ay officially in a relationship sa pamamagitan ng pagpost ng sweet pictures sa kani-kanilang social media accounts. Nilanggam nga ang comments section nila dahil sa sobrang kasweetan. As expected, mixed ang reactions ng netizens, pero kitang-kita na they were really in love.

Kahit na naging ‘Instagram official’ ang kanilang relasyon ay marami pa rin ang bumabatikos sa kanila. Umabot sa punto na nagsalita na si Kiko Estrada sa pamamagitan ng YouTube channel ni Ogie Diaz (na dating manager ni Heaven) at ginawa niya ang lahat para linisin ang pangalan ng minamahal.

Noong August 30 pa nga ay nagpost pa si Kiko ng larawan nila ni Heaven na very sweet sa kotse to mark their 3rd monthsary.

Pero ikinabigla naman ng netizens na noong September 1 ay inunfollow na ni Kiko ang girlfriend at tinanggal na rin lahat ng mga larawan nila na magkasama. Samantala, finofollow pa rin ni Heaven si Kiko at posted pa rin ang mga larawan nila as of writing.

Ano kaya ang ibig sabihin nito? Nagkatampuhan lang ba ang dalawa, o talagang tinuldukan na ang kanilang relasyon? Abangan na lang natin!