Kikay at Mikay, nagpakitang-gilas sa entertainment press

ADVERTISING

Kikay at Mikay, nagpakitang-gilas sa entertainment press

Kikay-MikayMAY IBANG purpose ang dating Sampaguita star na si Daisy Romualdez when she arrived at the Music 21 Plaza last Friday.

Nagkataong “performance night” ‘yon ng magpinsang Kikay (7) at Mikay (10) who—like their aunt Donita Rose—are out to conquer showbiz.

Curled up on a couch, nangingiti si Tita Dai na pinanonood ang magpinsan clad in their printed terno outfits habang nagtanghal ito ng song-and-dance number capped with acting na animo’y excerpt mula sa isang confrontation scene.

Self-balloon marahil ni Tita Dai, ganyang-ganyan din nagsimula ang kanyang multi-talented daughter na si Tina Paner.

ADVERTISING

Back to the cousins, bilang paghahanda sa kanilang showbiz entry ay nag-enrol sila sa acting workshop at voice lessons para hindi naman sila mapahiya being introduced as Donita’s nieces.

Nagsisilbing godfather ng mga bagets ang kaibigang Richard Pinlac, na may career program na para sa inaalagang anak at pamangkin ni Mommy Diane (Kikay’s mom who’s married to a Korean).

Enjoining the select press para sa suporta nina Kikay at Mikay, kung tutuusin ay maaari na lang tutukan ni Mommy Diane ang kanilang Parisian shoes (exclusively sold at SM) business, but how can she just let the bagets’ inborn talent go unnoticed for all the world to recognize?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING